Vol. 2 Kapitel Twelve: The Covenanters' Outcry

3.3K 170 33
                                    


Kapitel Twelve: The Covenanters' Outcry (Part One)

*****

Maririnig mong umuugong sa paligid ang makapanindig-balahibong lagitnit ng bisagra mula kinakalawang na bakal na tarangkahan...

--Kreeek..Kraak...kreeeek...kreeek

Na sinundan pa ng agunyas na nagmumula sa lumang kapilya ng pampublikong sementeryo.

--Klang!...,Klang!...,Klang!

"Narinig nyo yun?! Sabi ko na naman sa inyo umuwi na tayo eh! N--nakakatakot na kasi dito...." ang nangingilabot na daing ng batang babae habang nakasunod sa dalawa pa niyang kaibigang batang lalake.

"Sinabi ko na kasi sa iyo na huwag ka ng sumama sa amin eh! Tapos ngayon takut na takot ka naman!" yamot na sagot ng batang lalake na nasa kaliwa.

Nagpatuloy sa paglalakad ang tatlong bata sa gitna ng mga nagtataasan at naglalakihang mga nitso at mosileyo. Maingat ang kanilang bawat hakbang upang hindi sila makapaglikha ng anumang ingay na gagambala sa mga di-nakikitang nilalang na gumagala sa gabi.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa kanilang pakay---ang tarangkahan ng Greyfriars Churchyard*. Sinasabi sa mga matatandang kwento na matatagpuan sa katimugang bahagi ng lupaing iyon ang pugad ng mga galit, hindi matahimik at mapaghiganting mga kaluluwa ng mga namatay na bilanggo noong panahon ng pakikibaka ng mga taga-suporta ng pambansang kasunduan (National Covenant)*.

"I--ito na 'yon..."

Hitsura palang ng lugar ay makabahag-buntot na. Makikita mo kasi sa likod ng kinakalawang na bakal na tarangkahan ang hele-helerang mga nitso na sa labis na katandaan ay wala ka nang mababasa pa sa kanilang mga lapida.

Maya-maya pa ay sumipol ang malamig na hangin sa kanilang mga taynga na para bang inuudyukan na silang lisanin na ang lugar.

"Tara na kasi! Umalis na tayo!" nangingiyak na sabi ng batang babae sabay hablot sa kamay ng kaniyang mga kaibigan. Subalit hindi nagpaawat ang dalawang batang lalake at sinabi ng isa sa mga ito na...

"Umuwi ka na kaya! Kami nalang ang papasok sa loob!"

"Oo nga!"

"P----pero!"

At bigla silang may maririnig na mga yapak ng paa na nagmumula sa loob ng bakuran. Agad silang huminto sa kanilang pagtatalo at sinubukan na pakinggan ang ingay.

--[Step...Step...]--

"Mukhang....may tao sa loob."

"Paano nyo nasabing tao 'yon?! Paano kung multo 'yon?!"

"Edi mas maganda! 'Yun naman talaga ang ipinunta natin dito diba? Para makita natin yung mga nagmumulto! Kung ayaw mong sumama, magpaiwan ka nalang!"

Nagpasya ang dalawang batang lalake na ipagpatuloy ang kanilang pakay sa lugar. Walang takot nilang itinulak ang bakal na tarangkahan nang dahan-dahan hanggang sa ito ay mabuksan.

--krrreeeek....kreeek...

Hindi mapakali ang batang babae. Ayaw naman niyang maiwan mag-isa kaya napilitan siyang sundan ang dalawa niyang kaibigan na pumasok sa loob ng malawak na bakuran. Pagpasok niya sa loob ay nakaramdam na agad siya ng panlalamig, dahilan upang kiskisin niya ang kaniyang mga palad upang mainitan ang mga ito.

"Ba't ang lamig dito?"

"Ang dami mo namang napupuna! Manahimik ka nalang kaya at sumunod ka nalang sa amin!"

Pero bukod sa panlalamig ay napapansin ng batang babae na parang may mga matang nakatingin sa kanila habang sila ay palayo sa tarangkahan.

"Pakiramdam ko nasa paligid lang natin sila..." muling imik ng batang babae na halatang di-mapakali.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon