Vol. 1 Kapitel One: "Covenant"

10.3K 347 153
                                    

Kapitel One: "Covenant"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel One: "Covenant"

*****

Ika-labintatlo ng Oktubre taong 1988, Southampton, bansang Inglatera.

Hindi ko malilimutan ang araw na ito.

Ang araw kung saan hinarap ko si "Kamatayan".

*****

Saktong ika-pito ng umaga. Maagang binuksan ng binatang si Haru ang bintana ng kanilang inuupahang silid upang makapasok ang mainit-init na sikat ng araw. Kasabay nito ay ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang balat habang marahang inaalon ang kaniyang kulay luntiang buhok ng hangin na pumapasok mula sa bintana.

"Yufa!" tinawag ni Haru ang pansin ng kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Yufa na abala sa pagliligpit ng kanilang hinigaan. Mas bata ng apat na taon ang dalagita sa kaniya. Mayroon siyang maalon at kulay tsokolateng buhok na bagay sa kaniyang bilugan at kulay luntian na mga mata. Katamtaman lang ang kaniyang katawan para sa kaniyang edad, ngunit madalas siyang pagkamalan na bata dahil sa kaniyang tangkad.

"Ibibilin kita ulit kay Lumier. Magpapakabait ka sa kaniya, maliwanag?" bilin ni Haru sa kapatid na si Yufa.

"Kuya naman..." may himig ng pagtutol sa sagot ng dalagita, "Hindi na ako bata para magpasaway pa no. 'Di ba? Ate Lumier?"

Kasama nila sa silid na iyon ang itinuturing ng magkapatid na pinakamalapit nilang kaibigan, si Lumier. Naninirahan ang dalaga sa katabing bahay kung saan nangungupahan ang magkapatid. Sa makatuwid, si Lumier ang tumatayong kasera ng maliit na paupahan kung saan kasalukuyang nakatira ngayon sina Haru at Yufa.

"Oo naman. Basta't magsabi ka lang sa akin kung may kailangan ka. Nasa kabilang bahay lang naman ako. Pwede mo akong puntahan anumang oras."

Sampung taon na ang nakakalipas nang unang dumating sa buhay ni Yufa ang magkapatid na Haru at Yufa Farell. Siyam na taong gulang lang siya noon nang magpasiyang tumira ang magkapatid sa kanilang paupahan. Nakilala niya ang noo'y siyam na taong gulang na si Haru kasama ang nakababata nitong kapatid na limang taong gulang lang. At dahil wala nang mga magulang o mga kamag-anak ang magkapatid, problema ni Haru kung kanino niya ibibilin ang pagbabantay kay Yufa habang siya ay naghahanap-buhay sa labas. Mabuti na lang at nagmagandang-loob ang batang si Lumier at boluntaryo siyang tumayo bilang "Ate" sa bunsong kapatid ng batang si Haru. Magmula noon, sa pangangalaga na ni Lumier lumaki si Yufa. At magpahanggang ngayon ay sa kaniya parin ipinagkakatiwala ni Haru ang pangangalaga't pagbabantay sa nakababata nitong kapatid na ngayo'y dalagita na.

"Maraming salamat talaga, Lumier." Ang sabi ng binata sa dalaga na may kasamang matamis na ngiti. "Nahihiya talaga ako sa iyo. Alam ko naman na abala ka rin. Hayaan mo, makakabawi din ako sa iyo balang araw."

"Ano ka ba, Haru, wala sa akin 'yon. Hindi na kayo iba sa akin ng kapatid mo. Kaya huwag kang mahiya."

Sinabi ni Lumier ang mga salitang iyon habang ang kaniyang pisngi ay bahagyang nagkukulay-rosas. Noon paman ay tunay na kapamilya na ang turing niya sa mag-kapatid. Hindi kailanman nagbago ang pagtrato niya sa dalawa, lalo na sa binatang si Haru na itinuturing niyang espesyal sa kaniyang buhay.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon