Vol. 2 Kapitel Nineteen: "Dark Horse (Part I)"

2.5K 127 103
                                    

Kapitel Nineteen: Dark Horse (Part I)

*****

"Simulan mo na, Raven."

Hinatid ng babaeng naka-itim na damit-panluksa ang binatilyong si Raven sa harapan ng isang pader na gawa sa yelo. Sa likod ng nagyeyelong pader na iyon ay nagkukubli ang nag-iisang lugar sa loob ng Astral Plane na hindi na nagagawang puntahan ng anumang Astral Forms maging ng mga mahuhusay na Astral Travelers, maliban na lamang sa mga espesyal na nilalang na gaya ni Raven Dogwood.

"Sirain mo na." Utos ng babae.

Walang pagtutol na sumunod sa utos ng babae si Raven at sinira ang pader na yelo sa pamamagitan lamang ng paghawak niya rito.

Nabiyak pataas ang yelo mula sa bahagi na hinawakan ni Raven. Nang umabot ang biyak sa tuktok ng pader ay saka bumayo ang matinding pagyanig. Ilang sandali pa'y nawala na ang pagyanig at ang makapal na pader ng yelo ay unti-unti nang natunaw. Bumulaga sa harapan ng dalawa ang isang kakaibang tanawin; isang mundo na nababalot ng walang hanggang kadiliman, at ang makikita mo lang doon ay pawang mga guho ng bato na nakalutang sa kawalan.

Lumapit ang babaeng nakadamit-panluksa sa bungad ng lagusan. Iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at pinatunog ang hawak niyang kuliling. Pagkatapos ay mabilis na nagsama-sama ang mga malalaking tipak ng bato na nakalutang sa kalawakan hanggang sa ito ay maging isang mahabang tulay.

Muling kinuha ng babae ang kamay ni Raven upang isama ito sa kaniyang pupuntahan.

"May isang bagay ka pang dapat gawin para sa akin, Raven. Halika, sumama ka sa akin."

Walang pagaatubili na sumama si Raven sa babaeng nakadamit-panluksa. Tinahak nila ang nabuong batong tulay, hanggang sa tulyan na silang ikinubli ng kadiliman at nawala sa kalawakan.

Samantala...

"Tinatanggap ko na ang hamon mo."

Ito ang naging tugon ni Haru sa hamon sa kaniya ng misteryosong lalaki na nakilala niya kanina lang. Tinulungan si Haru ng lalaking ito mula sa bingit ng panganib nang kamuntikan na siyang kainin ng itim na lagusang nabuo sa loob ng Astral Plane. Ngunit hindi sukat-akalain ni Haru na gagawin pala siyang bihag ng misteryosong lalaki para lang makipaglaro sa kaniya ng 'Jack-en-Poy'.

"Magaling kung ganoon," ganito naman ang isinagot ng misteryosong lalaki sa binatang si Haru.

Nanatiling kalmado ang reaksyon at paggalaw ng lalaki habang kaharap ang binatang si Haru. Walang nakikitang palatandaan si Haru na kalaban ang lalaki, ngunit hindi naman iyon sapat na basehan upang maging kampante siya na kakampi niya ito. Masyadong nyutral ang lalaki, at iyon mismo ang dahilan kung bakit nahihirapan si Haru na malaman kung kalaban ba ang lalaki o isang kakampi.

'Hindi ako p'wedeng magpatalo sa kaniya, kahit sino o ano pa siya.'

Ngunit hindi maikakaila ni Haru ang pagkabalisa sa kaniyang mukha, lalu na nang masilayan niya ang kakaibang ismid na gumihit sa labi ng lalaki; sapat upang gumapang ang hilakbot mula sa kaniyang balat papunta sa kaniyang likuran.

Ilang sandali pa...

"Huwag na tayong mag-aksaya ng oras, simula na natin ito," ang sabi ng lalaki sa binatang si Haru na hudyat nang pagsisimula ng kanilang kakaibang tunggalian.

Sandaling namagitan sa dalawa ang katahimikan. Nagpalitan sila ng mga kakaibang tingin na para bang sinusubukan nilang basahin ang nasa isip ng bawa't isa. Ilang sandali pa ay iniangat na nilang pareho ang kanilang mga nakadakop na palad para bitawan ang kanilang unang tira. Pareho nilang ikinumpas ang kanilang mga kamay at sabay na isinambit ang mga salitang...

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon