Ghost Retriever Side Story Three: A Tale of Ms. Miranda---Shopping List

1.4K 98 56
                                    

Ghost Retriever Side Story Three: A Tale of Ms. Miranda---"Shopping List"

****

Ako si Miranda Coffin---Assistant ng kilalang Arkanghel ng Kamatayan na si Death Adder...

At ito...ang isa sa aking mga kuwento...

-----

"Ano ba Death? Hindi ka pa ba tapos d'yan?!"

Sa araw na ito ay sinamahan ko ang nakakairita kong boss "slash" arkanghel ng kamatayan na si Death Adder sa kaniyang pamimili sa bayan.

Bakit ko kamo siya sinamahan? Simple lang...

"Siguruhin mo lang na hindi ka susobra sa limit na ibinigay ko sa iyo huh! Sa oras na lumagpas ka sa credit limit mo, humanda ka talaga sa akin!"

"Oo na oo na! Gets ko naman 'yon no!" sagot ni Death sa akin habang abala ito sa pagpili ng kaniyang bibilhin: kung berde o pulang marshmallow ba ang kukuhanin niya.

"Hmm....hm....ang hirap naman mag-decide! Masarap ang berdeng marshmallow na ito, pero di ko maitatanggi na masarap din ang pulang marshmallow na ito! Hmrr...."

Ilang minuto na ang lumipas, pero hindi parin tapos sa pagpili ang nakakainis kong boss na si Death. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinagkaiba ng dalawang marshmallow na iyon maliban sa kulay?!  Sa inis ko, nilapitan ko siya at hinatak ko ang berdeng marshmallow na hawak ng kanan niyang kamay.

"O hayan, tapos na ba? Tara na. Umalis na tayo rito."

At saka ko inilagay sa basket na bitbit ni Death ang kinuha kong marshmallow.

Parang timang na ngumisi si Death sa akin. "Wow! Mahusay ka palang pumili, Miranda! High-class Marshmallow kaya itong kinuha mo!"

"Anong pake ko kung high-class yan o kung ano paman! Pumunta ka na sa counter at bayaran mo na ang mga pinamili mong 'yan!"

"Okay, okay! Heto na po..."

Wala sana akong balak samahan si Death sa pamimili niya ng mga personal niyang pagkain. At bakit ko naman pag-aaksayahang bantayan siya sa pamimili gayong labas na ito sa itinakdang job description ko? Napilitan lang ako dahil nagrereklamo na ang accounting department sa akin dahil sa lagpas-lagpasang credit charges ni Death...

"Pasensya na talaga kayo, Ms. Miranda. Pero kailangan po talagang higpitan si Sir Death sa paggamit niya ng kaniyang mga Credit Cards."

Mabuti ba sana kung napakahalaga ng mga pinagbibili niya gamit ang credit card nya...

"Chocolate marbles, check! Marshmallow, check! Jelly beans, check! At syempre, ang pinakamamahal kong APPLE CANDIES---check!"

Kinikilig ba siya habang tsine-tsekan ang shopping list nyang yon?!

Sa wakas, siya na ang nasa counter. Sinisimulan nang kahera na bilangin ang mga pinamili nya.

"1,500 euros pong lahat sir."

Ano?! Umabot ang lahat ng iyon ng 1,500 euros?! Eh iilang items lang naman ang kinuha niya ah!

Dali-dali kong tinignan ang mga pakete...

Anak ng bulok na kamatis, eh puro mamahaling sweets pala ito?!

"Hoy, Death!" agad kong sinita si Death na nananatili paring kalmado sa kabila ng paglagpas niya sa itinakda kong credit limit. "Kung ayaw mong gawin kong alsadong siopao yang mukha mo, simulan mo nang ibalik sa estante ang iba sa mga pinamili mo!"

Natural, hindi papayag si Death.

"Ibabalik?! Nagbibiro ka ba?"

"Tingin mo nagbibiro ako?" at pinanlisikan ko ng mga mata si Death. Alam niyang di ko ugaling magbiro, lalo na kung pinanlisikan ko na siya ng mga mata ko. Kaya naman dali-dali niya akong nilapitan at saka inakbayan para lang sabihin sa akin na....

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon