Vol. 5 Kapitel Forty Eight: "Death Drill (Part IV): "The Route of the Damned"

1.4K 81 54
                                    

Kapitel Forty Eight: "Death Drill (Part IV): The Route of the Damned

*****

"Hmp, hindi narin masama..."

Kasalukuyan parin na pinapanood nina Death at ng Ace Treasure na si Graal ang pagsasanay na ginagawa ni Haru sa ilalim ng isang 'di pangkaraniwang training regimen na kung tawagin ay Death Drill. At habang pinapanood nila sa malaking TV screen ang baguhang si Haru, inaaliw naman ng anghel na si Death ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng sangkatutak na matatamis na nakalagay pa sa isang babasaging lalagyan.

"Sayang dahil kamuntikan na sana siyang matalo ng grupo nina Kendall sa loob ng bahay na ginawa ko para sa mga astral spirits KUNG hindi lang sana siya tinulungan ng isa dya'n."

Sadyang ipinarinig ni Death ang mga salitang iyon kay Graal na kasalukuyan namang tahimik habang nakapako ang tingin nito sa malaking screen. Wala itong ibang libangan nang mga sandaling iyon kundi ang pag-inom ng mainit na tsaa habang seryosong iniistema ang kakahayan ng kaniyang ace holder na si Haru. Ang mga ganoong uri ng tanawin naman ang gustung gusto ni Death na makita. Gustung gusto niya kapag nakikita niya ang hindi maipintang mukha ni Graal na parang inaasiman sa matapang na suka.

"Ba't mo naman biglang naisip na tulungan si Haru?" tanong ng anghel kay Graal. "Kaya ka nga humiwalay pansamantala sa kaniya para makita mo kung talaga bang nag-i-improve siya o hindi, 'di ba?"

"Wala ka nang pakialam doon." masungit na sagot ni Graal. Wala na siyang idinugtong pa maliban sa matalim na sulyap niya sa anghel na si Death. Ikinaaliw naman ng anghel ang pagsusungit sa kaniya ni Graal, lalo na't nakikita niya kung paano siya nito kamuhian.

Kaya naman hindi napigilan ni Death ang kaniyang sarili na hindi mapaismid. Kinausap niya ang seryosong si Graal sa wikang Latin at sinabi na...

" Vos vere oderunt me, non est tibi? (You really hate me, don't you?)"

Gusto lang niya na makita ang magiging reaksyon ni Graal sa kaniyang sinabi. At mukhang hindi naman siya nabigo, dahil nagsimula nang magkaroon ng malaking lukot sa pagitan ng mga mata ni Graal sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya ni Death at sumagot na...

"Numquid considerasti tuum cerebrum petentes, fatuus? (Have you considered asking for your brain, Idiot?)

Napahagalpak ng tawa si Death sa isinagot sa kaniya ni Graal. Lalo pa siyang ginanahan na asarin ang pihikang treasure dahil sa pikun na pikon nitong hitsura.

"Non tam rudem, Graal! (Not so rude, Graal!)" ang sabi niya. "Para ka naman 'yong terorista kong assistant na si Miranda. Napaka sungit, akala mo parating may menstrual period. Pag parati kang ganiyan, mawawala sa ayos ang maganda mong mukha. Paano kikiligin sa iyo ang mga fans mo kung parati kang naka ganito..." at pang-asar pang inihalimbawa ni Death ang pagsusungit ni Graal sa pamamagitan ng pagpapapangit ng anghel sa kaniyang hitsura. Dahil doon kaya lalong nairita si Graal, na tipong inuudyukan siya nito na patulan na ang anghel ng kamatayan na lumikha sa kaniya.

Ngunit sa huli'y nagpakahinahon parin si Graal. Pinanatili parin niya ang kaniyang kagalang-galang na postura at sinabi na lang na...

"Ba't 'di mo na lang kaya simulan ang susunod na palabas? Inaaksaya ng kadaldalan mo d'yan ang oras ko."

"Hehehe..." pangisi-ngising sagot ni Death. "Sige na nga. Sabi mo eh."

At muling kinuha ni Death ang remote ng malaking screen upang ilipat ito sa estasyon kung saan naghihintay ang magkapares na sina Dante at Miranda.

-----

"Tsk, ang tagal!"

Panay ang pagtapik ng mga daliri ni Dante sa kaniyang naka-krus na braso na senyales ng matinding pagkainip. Sampung minuto na kasi silang nag-aabang sa paglabas ni Haru sa pulang pinto ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi parin ito nagpapakita sa kanilang dalawa ni Miranda.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon