Vol. 6 Kapitel Fifty Seven:"The Battle of Ir David (Part I): Clash of the Ashes"

1.4K 89 95
                                    

Kapitel Fifty Seven: "The Battle of Ir David (Part I): Clash of the Ashes"

*****

Lubhang nakakapaso ang init ng araw sa gitna ng disyersto ng Negev* na nasa dakong timog ng bansang Israel. Palibhasa'y bihirang mapatakan ng tubig-ulan ang nasabing lupain kung kaya madalang ang mga halaman na maaaring makita tulad ng mangilan-ngilang puno ng Acacia na ginagawang pansamantalang silungan ng mga manlalakbay.

Tulad na lang nitong isang manlalakbay na nagmula pa sa banal na lungsod ng Vatican. Kagagaling lang niya sa lungsod ng Beer-Sheba* upang magpalayas ng demonyong gumagambala 'di umano sa isang lokal na residente. Matapos ang matagumpay niyang pagpapalayas sa demonyo ay agad na siyang bumiyahe sakay ng isang kamelyo patungo naman sa susunod niyang destinasyon. At dahil katirikan ng araw sa gitna ng napakainit na disyerto ay 'di na kataka-taka na balot ng tela ang buong katawan ng nasabing manlalakabay upang proteksyunan ang kaniyang sarili sa nakakapaso at nakakasilaw na sikat ng araw.

"Phew, ang init..."

Sa gilid ng sinasakyang kamelyo ng manlalakbay ay nakasabit ang isang maliit na sisidlan na kadalasang ginagamit ng mga naglalakbay sa disyerto upang pagsidlan ng inuming tubig. Kinuha ng manlalakbay ang tubigan at ininom ang laman nito. Hindi tubig kundi malabnaw na kulay pulang likido ang umagos mula sa sisidlan. Pagkatapos uminom ay pinunasan ng manlalakbay ang kaniyang bibig at pagkatapos ay nagsindi ito ng isang stick ng sigarilyo gamit ang isang gintong panindi.

"Haaa...." kalmadong ibinuga ng manlalakbay ang usok mula sa kaniyang bibig. Sa gitna ng kaniyang pagninilay-nilay ay nakakita siya ng isang malaking puno ng Acacia na mainam para maging pansamantalang silungan. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad niyang ipinihit ang kamelyo patungo sa ilalim ng mayabong na puno ng Acacia at doon nagpasiya ang manlalakbay na magpahinga.

"Hay, ito ang buhay." ang sabi ng manlalakbay sa kaniyang sarili. Bihira lang siya magkaroon ng pagkakataon na umupo sa ilalim ng mayabong na puno habang tahimik ang paligid at mataas ang sikat ng araw. Kung kaya na-enganyo siyang ilabas ang kaniyang Bibliya at rosaryo upang manalangin sa May Kapal.

"Magandang pagkakataon ito para manalangin. Tamang tama."

Iyuyuko na sana ng manlalakbay ang kaniyang ulo upang simulan ang panalangin, nang bigla na lang umagaw sa kaniyang pansin ang isang malaking uwak na paikot-ikot sa himpapawid. Pamilyar sa manlalakbay ang hitsura ng uwak kaya naman nagpasiya itong tumayo upang sipulan ang nasabing ibon. Pagkasipol ay agad na lumapit ang uwak sa manlalakbay at dumapo ito sa kaniyang balikat. Isang nakarolyong papel ang naka-tali sa paa ang ibon. Kinuha ito ng manlalakbay at binasa ang nilalaman ng papel.

"Nandito sila?" iyon ang naging reaksyon ng manlalakbay, bagamat inaasahan na niya ang magiging aksyon ng taong nagpadala ng mensahe ay hindi naman nito inaasahan na hihingi ito ng tulong para sa isang napakahalagang bagay.

Naudlot ang dapat sana ay oras ng manlalakbay para sa Panginoon. Pagkatapos niyang ibulsa ang mensahe ay agad niyang itinago ang kaniyang Bibliya at rosario at nagmadaling sumakay sa kaniyang dalang kamelyo.

"Tara na. Oras na ulit ng trabaho." Pinatakbo na ng manlalakbay ang kaniyang kamelyo. Pagkatapos ay kinuha niya mula sa kaniyang tagiliran ang isang pistol gun upag kargahan ng espesyal na bala na may mga nakaukit na simbulo.

"Umpisahan na ninyong magdasal, mga demonyo. Parating na ang makakatapat ninyo."

------

يا نور! دع النور يشعل لكا يا أوزيريس Chentamenta.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon