Vol. 6 Kapitel Fifty Nine: "The Battle of Ir David (Part III): Black Sabbath"

1.3K 93 105
                                    

Kapitel Fifty Nine: "The Battle of Ir David (Part III): Black Sabbath"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

Matapos makita ni Mastema ang kabaong ni David ay gumuhit sa mga labi niya ang labis na galak. Agad niyang sinenyasan si Igne para ilabas ang katumbas na halaga ng inilabas ni Ashmedai: isang kulay itim na kabaong na ang laman ay walang iba kundi ang pinakamamahal nitong si Sarah sa katauhan ng dalagang si Lumier.

"Handa ka na bang makipag-palitan, Ashmedai?"

Ngumiti si Ashmedai at maagap na sumagot sa tanong ni Mastema.

"Handa na. Simulan na natin ngayon ang palitan."

*****

Pumagitna ang nakapangingilabot na awra sa pagitan ng demonyong si Ashmedai at ng lalaking nangangalaga sa mga Watchers na si Mastema. Tila ba nagpapakiramdaman pa ang dalawa kung sino sa kanila ang unang gagalaw. Wala ni isa man sa kanila ang kumurap, na para bang mayroon silang bagay na inaabangan na gagawin ng isa't-isa.

Hanggang sa...

Woosh!

Hangin at alikabok na lang ang naiwan sa ere nang mabilis na nawala at magpambuno si Amaymon na nasa anyo ng isang leon at ang pari na si Igne. Kasunod niyon ay sina Mastema at Ashmedai naman ang nawala. Nagpang-abot silang dalawa sa gitna ng malawak na lupain kung saan nagtagpo ang kani-kanilang mga sandata na lumikha ng malakas na bugso ng puwersa.

Isang mahaba at kulay itim na espada na may malapad na talim ang kay Ashmedai;

Habang isang anino naman na kayang magpalit ng anyo sa kahit na anong bagay o sandata ang kay Mastema.

Lumikha ng napakalakas na puwersa ang pagbangga ng mga sandata nina Mastema at Ashmedai. Sinabayan pa ito ng magkakasunod na pagsabog na likha naman ni Amaymon laban sa katunggali nito na si Igne. Nagmistulan tuloy na dinaanan ng delubyo ang buong lupain, kung saan nagkalat ang mga malalaking tipak ng bato na umangat mula sa lupa at mga naglalakihang guho mula sa mga nakatindig na haligi na nasira.

"Kukunin ko na si Sara mula sa iyo!"

Tinangka ni Ashmedai na kunin ang kabaong kung saan nakalagay ang walang malay na si Lumier. Ngunit bago paman niya nahawakan ang kabaong ay bigla na lang itong binalot ng lupa at buhangin at pagkatapos ay inatake si Ashmedai ng mga matutulis na bato na nagsi-ahon mula sa lupa.

Walang nagawa si Ashmedai kundi ang dumistansya. Sinamantala naman ni Mastema ang pagkakataon at siya naman ang nagtangka na kumuha sa kabaong ni David sa pamamagitan ng kaniyang sandatang anino. Ngunit tulad ni Ashmedai, bago paman nahawakan ni Mastema ang kabaong ay bigla siyang pinasabugan ng malakas na bola ng enerhiya ng demonyong si Amaymon.

"Panginoon!"

Nagalit si Igne sa ginawang pag-atake ng kalaban niyang si Amaymon sa kaniyang panginoon na si Mastema kung kaya agad nitong tinawag ang kaniyang mga alas upang gantihan ang kaniyang kalaban.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon