Vol. 4 Kapitel Thirty Eight: "The Sobbing Ghost"

1.7K 98 70
                                    


Kapitel Thirty Eight: "The Sobbing Ghost"

*****

December 14, 1988
04:00 Am
Nocton Hall, Lincolnshire, England

---

Eksaktong ikaapat ng umaga nang magpasiya ang naka-tokang guwardya sa abandunadong gusali ng Nocton Hall na maglibot kasama ang kaniyang bantay na aso.

"Arf! Arf!"

"Easy, boy! Easy!" hinimas ng guwardiya ang ulo ng kaniyang alaga. Pagkatapos ay kinuha niya ang kaniyang makapal na jacket na nakasabit sa gilid ng pinto at isinuot ito. Siniguro rin niya na gumagana ang de-baterya niyang flash light. Literal kasi na kinakain ng dilim ang loob ng abandunadong gusali kung gabi, kaya mapanganib ang maglibot sa loob nito na walang anumang bitbit na pailaw.

"Tara na, Buddy!"

"Arf! Arf!"

Lumabas na ng guard house ang guwardya kasama ang kaniyang alagang aso. Gaya ng nakagawian, una nilang pinasok ang abandunadong bahay para doon magsimulang maglibot. Hindi nila ininda ang pagbaon ng kanilang mga bota sa makapal na yelo, o di naman kaya ay ang makapanindig-balahibong kapaligiran dulot ng mga tuyong sanga mula sa katabing gubat o ang sira-sirang mga bahagi ng bakuran at mga pader.

Pagkatapos lang ng ilang sandali ng paglilibot ay huminto sa paglalakad ang alagang aso ng guwardya at tumingin sa isang bukas na pinto na makilita likurang bahagi ng lumang gusali.

"Arf! Arf! Arf!"

Kapansin-pansin na tila ba may tinatahulan ang aso sa loob ng bukas na pintuan.

"Ano'ng problema, Buddy?"

"Arf! Arf!"

Itinutok ng guwardya ang ilaw ng kaniyang bitbit na flash light sa bukas na pintuan na kanina pa tinatahulan ng kaniyang alaga. Baka kasi may nakitang daga o di naman kaya ay pusa ang kaniyang alaga kaya ito tumatahol. Pero wala naman siyang nakitang anuman sa loob ng gusali kundi puro mga guho ng pader at mga sirang kagamitan gaya ng silya at mesa.

"Akala ko naman kung ano na ang tinatahulan mo sa may pinto. Eh puro mga bato at sirang silya at mesa lang naman ang nakita ko."

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagliligalig parin ang aso sa kaniyang among guwardya. Panay parin kasi ang pagkahol nito sa may pinto na parang mayroon itong nakikita sa loob.

"Arf! Arf! Arf! Arf!"

"Easy lang, Buddy!" hinimas ng guwardya ang ulo ng kaniyang alagang aso para pakalmahin ito. Pero imbis na kumalma ay lalong naging agresibo ang aso at walang anu-ano ay pinasok nito ang bukas na pinto.

"Hey! Buddy! Bumalik ka!"

Agad na pinasok ng guwardya ang bukas na pinto at pumasok sa loob ng lumang gusali na minsang naging kanlungan ng mga may sakit at sugatang sundalo noong panahon ng digmaan. Kitang kita pa ang mga naiwang bakas ng nakaraan nito sa buong paligid, gaya ng mga sirang silya at mesa, medicine cabinets, wheel chairs, signages, at mga sirang medical tools.

"Buddy! Nasaan ka! Halika na!"

Gamit ang kaniyang flash light, sinimulang hanapin ng guwardiya ang kaniyang tumakas na alaga sa loob ng madilim na gusali. Hindi man halata sa kaniyang matapang na mukha at postura pero sa loob niya'y kanina pa siya kinikilabutan. Para kasing may mga mata na kanina pa nakatingin sa kaniya. At kahit makapal na ang suot niyang jacket ay ramdam parin niya ang malamig na hangin sa kaniyang balat, na para bang tumatagos ito sa loob ng kaniyang makapal na panlamig.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon