Vol. 3 Kapitel Twenty Four: "Terror Behind the Walls"

2.1K 112 97
                                    

Kapitel Twenty Four: "Terror Behind the Walls"

*****


Ito ang unang beses na may nakita akong ganito...

"I—isa ka ba talagang...multo?"

Isang banayad na ngiti ang nakita ko mula sa mapuputlang labi ng lalaking ito na nasa harapan ko. Sa unang tingin pa lang alam mo nang isa siyang bilanggo. Subalit...

"...isa nga akong multo, may problema ba 'ron?"

Iyon nga mismo ang problema, mukha siyang...hindi isang multo.

Namamalik-mata lang ba ako?

*****

"Ah...miss?"

Sandaling naudlot ang malalim na iniisip ni Feah nang muling nagsalita ang nagpakilalang multo sa loob ng lumang selda.

"B—bakit?"

"Nakatulala ka kasi..." ang sagot naman ng lalaki. Napakurap pa ng ilang beses si Feah bago siya tuluyang natauhan.

"Ow, p-pasensya na,"

"Wala 'yon! Ako nga ang dapat humingi ng pasensya, mukhang...nagulat kita."

"Ah, hindi naman." Maagap na sagot ni Feah. "Nagtataka lang kasi ako na..." at muling inunat ni Feah ang kaniyang mga kamay at hinawakan ang rehas na bakal. At gaya ng nangyari kanina, muli na naman siyang nakuryente, "...na hindi ko mahawakan ang seldang ito."

Sandaling natigil ang usapan ng dalawa. Hanggang sa...

"Ah, ako nga pala si Jonathan. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Sinagot naman ni Feah ang tanong ng lalaking multo. "Ako si Feah."

"Anong ginagawa mo sa ganitong lugar, Miss Feah? Bagong...care taker ka ba?"

"Hindi ako isang care taker." Sagot naman ni Feah habang patuloy nitong pinagmamasdan ang buong selda.

"K—kung gan'on...isa ka bang turista?"

"Hindi rin ako isang turista."

Napakamot ng ulo ang lalaki.

"Kung gan'on, ano...ka?"

Sa pagkakataong iyon ay tumingin si Feah sa lalaki, at walang kaabug-abog nitong sinabi na...

"Isa akong kolektor ng mga kaluluwa. Narito ako para sumundo ng mga tulad mo."

Pumagitna ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Pinagmasdan lang ni Feah ang blankong reaksyon ng lalaki na kaniyang kausap. Sa palagay ng dalaga ay hindi lubusang nauunawaan ng lalaki ang kaniyang mga sinabi kaya ito walang imik. At dahil ang pakay naman talaga ni Feah ay ang pangongolekta at hindi ang makipag-kuwentuhan kaya hindi na lang niya pinansin pa ang lalaki at pinili na lang niyang simulan ang proseso ng koleksyon.

'Okay, sisimulan ko na...'

Kumuha si Feah ng baraha na gagamitin niya para buksan ang selda. Dumaloy ang kapangyarihan...lumikha ito ng kakaibang liwanag. Lumabas mula sa blankong baraha ang isang malaking palakol na agad kinuha ni Feah. Handa na niyang iwasiwas at ipukol ang palakol sa selda, nang biglang...

"Sino'ng nand'yan!"

Isang malagom na tinig ang narinig ni Feah na papalapit sa direksyon nila. Agad niyang ipinihit ang kaniyang tingin sa kanan kung saan niya narinig ang tinig. Mula sa kanto ng madilim na pasilyo ay may nakita siyang malamlam na guhit ng liwanag kasabay ng magkakasunod na yabag ng mga paa.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon