Vol. 7 Kapitel Sixty Three: "The Battle of Ir David (Part VII):"White Darkness"

1.2K 70 73
                                    

Kapitel Sixty Three: "The Battle of Ir David (Part VII): "White Darkness"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"I--ikaw nga..."

Sinong mag-aakala na muling makikita ni Haru ang taong iyon? Ang lalaking may malamig at matalim na kulay abo na mga mata, nakasuot ng kulay itim na abrigo at kulay pilak na baril na nakasukbit sa kaniyang tagiliran.

"Father...Eli?!"

At bahagya namang umarko pataas ang mga labi ng paring si Eli bilang pagbati sa gulat na gulat pa na si Haru.

"Kumusta? Masaya ako na muli kang makita, Haru?"

*****

Hindi parin makapaniwala si Haru na kaharap niya ang paring bampira na si Eli na minsan niyang nakilala noong huling misyon niya sa Italya kasama sina Dante at Allain.

"P--paanong?! F--Father Eli?! Anong ginagawa mo rito?!" tanong niya sa pari.

"Mahabang kuwento." naging matipid naman ang naging sagot ni Father Eli sa binata. Wala na kasi silang sapat na oras para magkamustahan pa dahil ramdam na ng bampirang pari ang napakalakas na itim na presensyang nagmumula sa sentro ng siyudad. "Tumayo ka na. Kailangan na nating umalis."

"Teka, sandali." Dahan-dahan na tumayo si Haru at nagwika, "Hindi pa kami tapos."

Muling pinagbagong-anyo ni Haru ang kaniyang sandata na si Graal bilang isang sibat. Hindi pa lubusang nanunumbalik ang lakas niya noong mga sandaling iyon kaya naman makailang beses siyang muntikang madapa dahil sa pagkahilo. Ngunit sa kabila niyon ay pinilit parin ni Haru na ihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa lugar kung saan bumagsak ang kaniyang kalaban na si Ava.

"Alam kong buhay ka pa."

Matapang ang naging bungad ni Haru sa kaniyang kalaban na halos hindi na makilala dahil sa pinsalang natamo nito sa kanilang laban. Literal na nakarne ang katawan ni Ava. Isang mata na lang ang mayroon siya ngunit luwa na't nagbabadya narin itong matanggal. Lasug-lasog ang kaniyang katawan, maraming bali na buto ang lumabas sa kaniyang laman at unti-unti narin siyang nagiging abo mula sa kaniyang paanan pataas.

Imposible nang makalaban pa ang prinsesa sa kaniyang kalagayan.

"La 'astatie alkhasara...(I will not lose...)"

Parang sinasakal ang boses ni Ava nang sinabi niya ang mga katagang iyon kay Haru gamit ang kaniyang kinalakihang wika. Hangin na lang halos ang inilalabas ng kaniyang nadurog na lalamunan, ngunit kahit papaano ay nagawa pa namang mabasa ni Haru ang buka ng bibig ng naghihingalong prinsesa.

"Wala akong pakialam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo ngayon lang." Prangkang saad ni Haru sa kaniyang kausap. Pagkatapos ay walang babala niyang ibinaon ang dulo ng kaniyang sibat sa lupa kung saan sinadya niyang ibaon ito malapit sa ulo ni Ava. "Nandito ako para kay Lumier. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya!"

Halatang nakikipag-agawan sa hangin si Ava habang nakatitig siya ng malalim sa mga mata ng binatang si Haru. Ilang sandali pa'y umarko pataas ang biyak na labi ng prinsesa na nangangahulugan na isa lamang patibong ang lahat magmula pa lang noong umpisa.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon