Vol. 4 Kapitel Thirty Three: "Bristle with Rage"

1.7K 119 112
                                    

Hi Mga kapatid!!!

Pinost ko ulit ito dahil marami-rami akong na-over-look na mga typos at inedit ko rin ang ilang mga sentences na malabo. I hope mabasa nyo parin ang mas pulidong version na ito...

Salamat!

*Ate Yoshi*

*****

Kapitel Thirty Three: "Bristle with Rage"

*****

Ang nakaraan sa Ghost Retriever...

"Huli ka ngayon, Father Eli!"

"K---kayo....?!"

Matalim na ngumisi si Dante habang nakatutok ang kaniyang sandata na si Granat sa leeg ng binatang pari na si Eli.

"Una palang kitang nakita, alam ko nang hindi ka basta-bastang pari lang."

At galit na sinagot ng paring si Eli ang binatang si Dante. "Tingin ko pareho lang tayo. Unang kita ko palang sa inyo, alam ko na hindi kayo mga tao!"

Sinubukang ibigwas ni Father Eli ang kaniyang siko kay Dante. Pero nagawa agad itong iwasan ni Dante at mabilis na nahablot ang mga kamay ni Father Eli, saka niya ito itinumba sa sahig at mariing hinawakan sa leeg.

"Ngayon Father, simulan mo nang mangumpisal...!"

*****

Mabagsik na palitan ng mga tingin, mariing mga kapit at maangas na mga banta---ang mga ito ngayon ang nakapagitan kina Father Eli at Dante. Hindi sila nagkikibuan, ni hindi sila gumagalaw. Subalit sa likod ng kanilang mga titigan ay ang pagnanais na tapusin ang isa't-isa.

"Ngayon Father, simulan mo nang mangumpisal!" at walang alinlangan na idinikit ni Dante ang talim ng kaniyang sandata sa lalamunan ng nakadapang si Father Eli. Subalit bago paman nasagot ng paring si Eli ang agresibong si Dante ay saka naman biglang bumida sa eksena ang binatilyong si Allain.

"Yes! Wooo! Ang galing natin! At ang cool mo Dante! Nahuli mo si Father Eli! Yeah!!!"

Dahil doon kaya biglang naglaho ang kumakapal na gitgitan sa pagitan nina Eli at Dante at napalitan ito ng inis.

"Ikaw na paslit ka...." nangangatal sa inis ang binatang si Dante. "Sinabi ko ba sa iyo na bumida ka sa eksena! Gusto mo ba talaga na lumabas ang utak mo sa bungo mo, ngayon mismo?!"

Agad na nasindak si Allain at agad na umatras. "S--sorry na! Akala ko kasi p'wede na akong sumingit sa eksena!"

At mula naman sa madilim na sulok ng silid ay lumabas ang binatang si Haru at agad na hinatak papalayo ang kasamahan niyang si Allain bago pa ito tuluyang tuhugin ni Dante.

"Wrong timing ka Allain! Halika na nga rito, bilis!"

"Huhuhu! Wrong timing ba ako?"

"Halika na!" at sapilitang inilayo ni Haru si Allain sa eksena. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ni Eli at ni Dante. Hanggang sa...

"Hahahaha!" isang nakakainsultong halakhak ang ginawa ni Father Eli. Agad itong ikinapikon ni Dante at agad pinukpok ang ulo ng pari.

"Aray! A---anong?!"

"Anong nakakatawa huh?! Paring hukluban?!"

"Ako hukluban?"

At matapos ang ilang sandali....

"Hahahahaha!" lalo pang humalakhak ang paring si Eli na lalong ikinainis ni Dante. Kaya naman sa pagkakataong ito ay puwersahang pinatihaya ni Dante si Eli at sinindak ito sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang sandata malapit sa ulo ng binatang pari.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon