Vol. 2 Kapitel Fifteen: "Glimmer of Hope"

2.8K 137 36
                                    


Kapitel Fifteen: "Glimmer of Hope"

*****

Nabitawan ng binatang si Haru ang hawak niyang kwintas, kasabay nito ay ang matinding pagkagulat na makikita sa kaniyang mga mata...

"Y—Yufa, k—kapatid ko...."

Pakiramdam ni Haru ng mga oras na iyon ay pansamantalang huminto ang takbo ng oras sa kaniyang paligid....

Y--Yufa....

Hindi namalayan ng binata na inihakbang pala niya pasulong ang kaniyang mga paa at dahan-dahan na patungo sa dalagitang si Yufa na nasa bungad ng pintuan.

K--kapatid ko....

Iniangat niya ang dalawa niyang kamay at ibinuka ito, na para bang handa ka nitong igapos anumang sandali sa kaniyang mga bisig. Wala kasing ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang maibsan ang pananabik sa kaniyang puso sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap mula sa kaniyang pinanabikan na bunsong kapatid.

Yufa....

At nang maaabot na sana ng mga kamay niya ang dalagita ay biglang...

----Haru! Haru!!!

Nagitla ang binatang si Haru mula sa sunod-sunod na pagtawag ni Allain ng malakas sa kaniyang pangalan. Doon na niya nakita ang kaniyang sarili na akmang hahawakan ang dalagitang si Yufa. Agad namang nagsumiksik sa likuran ng kaniyang Ate Lumier si Yufa dahil sa bahagyang takot nang tangkain siyang lapitan at hawakan ng binatang si Haru.

"Haru! Ano bang nangyari sa iyo?!" mabilis na hinatak ni Allain paatras si Haru, pagkatapos ay saka niya pupulutin ang naihulog ni Haru na kwintas na pag-aari ni Yufa.

"Mga Ate, pasensya na...." paumanhin ni Allain, sabay abot kay Yufa ng kwintas na sadya nito sa opesina ng Lost and Found.

Aabutin naman ni Yufa ang kaniyang kwintas at agad itong kinipkip sa kaniyang mga kamay.

"S---salamat po..."

Walang anumang naging pagkilos si Haru. Ni hindi ito kumukurap na nakatitig kina Yufa at Lumier. Gustung-gusto niyang magsalita, ang totoo marami siyang gustong sabihin. Pero ayaw bumuka ng kaniyang bibig na daig pa ang nilagyan ng pandikit. Marahil dahil labis siyang nasurpresa; hindi kasi niya inakala na darating pa ang oras na muli niyang makikita ang dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

Yufa...Lumier!

Bahagya namang nailang ang dalawang binibini sa makahulugang pagtitig sa kanila ng binatang si Haru. Hinihintay nila na may sabihin ito, pero wala naman itong ginawa kundi ang bigyan sila ng makahulugang tingin.

"P--pasensya na po..." imik ni Lumier sa kaharap nilang mga ginoo. "...pero tutuloy na sana kami. Maraming salamat sa pagsasauli ninyo ng kwintas ni Yufa."

"Ah....eh...wala iyon!" sagot naman ni Allain. "...sa kaniya kayo magpasalamat. Sya kasi ang nakakita sa kwintas...." sabay ituturo ni Allain ang wala paring kibo na si Haru.

Bagamat naiilang, minabuti parin ni Yufa na lapitan si Haru upang magpasalamat.

Thump-Thump....Thump-Thump...

Naging mabilis ang pagkabog ng dibdib ni Haru habang papalapit si Yufa sa kaniya....

Thump-Thump....Thump-Thump...

Inabot ni Yufa ang dalawang kamay ng binata, at saka ito hinawakan ng buong higpit. At pagkatapos....

"Maraming salamat po Kuya...."

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon