Vol. 1 Kapitel Six: Playful Jack

3.1K 185 34
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kapitel Six: "Playful Jack"

*****

"Hindi ako pwede sa langit, hindi rin ako pwede rito sa impyerno. Kung ganoon, saan ako pwedeng pumunta?" tanong ng lalaki sa kausap niyang dyablo.

Isang malaki at nakakapangilabot na ngiti naman ang sumilay sa labi ng dyablo kasabay ng kaniyang maikling tugon.

"Bumalik ka sa lugar kung saan ka nanggaling."

*****

AHHH!!!

Napabalikwas ng bangon si Haru matapos niyang mawalan ng malay-tao dulot ng mala-apoy na bagay na sumuklob sa kaniya kanina lang. Hangus na hangos siya at kitang-kita pa sa kaniyang mukha ang pagkabigla. Agad niyang kinapa ang kaniyang mukha para alamin kung nasunog ito, at sa kabutihang-palad naman ay wala naman siyang natamo maski kaunting paltos.

"Haaa...akala ko nasunog na naman ako."

Hindi paman nakakabawi si Haru mula sa naranasan niya ay biglang...

"HULI KA!"

Lumitaw sa harap niya ang isang nagliliyab na nilalang na hugis bata. Mga tatlong segundo rin itong tinitigan ni Haru bago siya napasigaw ng malakas.

"AHHHH!!!"

Napaatras nang husto si Haru sa kaniyang kinauupuan. Balot ang kaniyang mukha ng matinding takot sa kaniyang nakita. Isang batang lalaki na balot ng apoy ang buong katawan ang nakatayo sa harapan niya! Gusto niyang sumigaw ng ubod-lakas, subalit hindi niya magawa dahil sa matinding takot at pangangatal ng kaniyang katawan. Sa pag-atras niya ay may nahawakan siyang malagkit, mamasa-masa at malambot na bagay sa lupa. Inangat niya ang kaniyang kamay at nakita niya na nakahawak pala siya ng dumi ng isang hayop na pinuputakte pa ng pulang mga langgam.

"A—anong?! Kadiri!"

"Haha! HULI KA NA NAMAN!"

Nagpaikut-ikot sa hangin ang batang apoy at panay ang halakhak nito dahil sa kakatuwang reaksyon ni Haru.

"Hahaha! Ang galing ko! Nahuli kita sa bitag ko!"

Naningkit ng husto ang mga mata ni Haru dahil sa yamot. Tumayo siya at nilayasan ang nagliliyab na bata na parang hindi niya ito nakikita. Huminto naman sa pagsayaw at pagtawa ang bata para sundan si Haru na panay ang isnab sa kaniya.

"Huy!"

Nakailang beses nang tinawag ng bata ang pansin ni Haru ngunit hindi parin siya nito kinikibo. Tuluy-tuloy lang ang binata sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa likod-bahay kung saan matatagpuan ang isang maliit na balon na pinagkukunan nila ng tubig.

"Huy! Bingi ka ba?!"

Muling tinawag ng bata si Haru, pero hindi parin siya nilingon ng binata.

"Argh! Kaasar!"

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon