Vol. 6 Kapitel Fifty Three: "Betrayal Knows Thy Name"

1.3K 83 51
                                    

Kapitel Fifty Three: "Betrayal Knows Thy Name"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"T--teka...a--ano 'yong eksaktong ginawa ko kanina?" Gulat na gulat na tanong ni Haru matapos niyang kontrahin ng walang kahirap-hirap ang pag-atake ni Graal sa kaniya. Nangyari ang lahat ng iyon dahil sa kakaibang "rituwal" na ipinagawa sa kaniya kung saan inilabas at binalanse ng treasure niyang si Graal ang lahat kaniyang nahihimlay na espirituwal na mga kakayahan.

"Yung atake mo...b--biglang nawala bago 'yon tumama sa akin at....naibalik ko ulit papunta sa iyo?!"

"Ikaw ang may gawa niyon." Paliwanag naman ni Graal sa kaniya. "Hindi mo lang alam, pero matagal nang may natutulog sa kaloob-looban mo na isang pambihirang kakayahan na iilang tao lang sa mundo ang may taglay. At isa ka sa mga taong 'yon."

"H---hindi ko maintindihan? Ano'ng ibig mong sabihin...?"

Napabuntong-hininga na lang si Graal pagkatapos. Batid niyang mahaba-habang paliwanagan pa ang kailangan niyang gawin para maintindihan ng baguhang si Haru ang lahat ng kaniyang sinasabi.

"Mukhang wala na naman akong pagpipilian..." Lumapit si Graal kay Haru at walang anu-ano'y pumaikot sa kanilang dalawa ang isang malaking itim na anino na nagmula rin mismo sa anino ng pihikang sandata na si Graal. "Ang mabuti pa siguro'y sumama ka na lang sa akin, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman."

*****

Halos kasing bilis ng isang kisap-mata ang pagdating nina Haru at Graal sa lugar kung saan sila maaaring makapag-usap ng masinsinan. Ang lugar na iyon ay napapalibutan ng mga naglalakihang haligi na may magarang disenyo ng sinaunang gresya at tila ba binabantayan ng mga haliging iyon ang napakalaking lawa na nasa gitna; ang lawa kung saan unang nakilala ni Haru ang kaniyang sandatang si Graal.

"T--teka...ito ang...?"

"Ang aking tahanan..." Wika ni Graal sa bisita niyang binata. "Mabuti naman at naaalala mo pa ang lugar na ito?"

"At paano ko naman makakalimutan ang lugar na 'to, sige nga...?" Ang sabi ni Haru sa kaniyang sarili habang inaalala niya ang masasamang karanasan niya sa lugar na iyon. "...eh kamuntikan na akong hindi makalabas sa lugar na ito dahil lang sa larong Jack-en-Poy!"

At walang anu-ano'y bigla na lang tumingin si Graal kay Haru at masungit na nagwika...

"May sinasabi ka ba? Haru Farell?!"

Nagitla si Haru sa reaksyon ni Graal at agad na inilihis ang kaniyang tingin para makaiwas sa nagbabadyang galit ng kaniyang pihikang treasure.

"N--nakalimutan ko...nababasa nga pala niya ang isip ko!"

"Oo. Nababasa ko nga ang isip mo." Kulang na lang ay magbanggaan ang dalawang kilay ni Graal dahil sa inis ngunit napanatili parin niya na kalmado ang kaniyang postura at boses. "Kaya kung may gusto kang sabihin, mas magandang sabihin mo ng harapan kaysa sarilinin."

Napalunok na lang ng kaniyang laway si Haru kasabay ng kaniyang pananahimik. Pagkatapos lang ng ilang sandali ay lumitaw sa harapan nila ang isang malaking pinto na daanan patungo sa isang pribadong silid.

"Halika..." Ang sabi ni Graal kay Haru. "Sumunod ka sa akin."

Nang mga oras na iyon ay punung-puno ang isip ni Haru ng mga katanungan tulad ng kung ano ang gagawin niya sa tahanan ni Graal, kung ano ba talaga ang sasabihin ng pihikang ace treasure sa kaniya at kung bakit bigla na lang siyang nagkaroon ng kakaibang kakayahan na siyang ipinamalas niya kanina. Ngunit sa dami ng mga nais niyang sabihin, nakakapag-taka na wala manlang sa mga ito ang nagawa niyang masabi.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon