Ghost Retriever Side Story One: "Why Pepper?"

3K 188 53
                                    

**Above was the known "Great Fire of London", 1666

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

**Above was the known "Great Fire of London", 1666

Ghost Retriever Side Story:"Why Pepper?"

*****

Nakaharap si Death sa kamera para i-record ang kaniyang sarili. Libangan niya ito kapag walang mga paper works na dapat tapusin.

"Naka-on na ba? Ehem...ehem..."

On Cam

Ako si Death Adder, Manager ng Ghost Sanctuary at kilala bilang "Anghel ng Kamatayan". Oo, Anghel talaga ako, hindi lang masyadong halata. Mahilig ako sa mga matatamis. As in super! Lahat ng uri ng matamis gusto ko, mapa-candy, chocolate, icecream, etc. Pero mayroon akong pinaka paborito sa lahat -- ang apple candies (oh my!!!)

Sabihin na ninyong matakaw ako, pero hanggang sa matatamis na pagkain lang. Ang totoo, 98% ng total diet ko ay sweets; 2% ang iba pang pagkain. Lahat ng pagkain pwede kong kainan maliban lang sa isang uri....

Curious na ba kayo? Hayaan n'yong simulan ko ang kuwento dito...

September 1, 1666

10:45 pm

Pudding Lane, London*

"Twenty five!"

"Thirty!"

"Twenty five nalang! Pumayag ka na!"

"Thirty! 'Yon na ang pinakasagad na tawad mo, ginoo! Aba! Malulugi naman ako sa inyo!"

Nang mga sandaling iyon ay nakikipagtawaran sa tindero si Death para sa isang sikat na tinapay. Pero dahil may kamahalan ito at naubos na ni Death ang kaniyang pera dahil sa mga binili niyang mga matatamis kaya kailangan niyang makipagtawaran.

"Huling hirit nalang talaga manong! Twenty five and fifty!"

Ngunit sa bandang huli....

"Whaaa!"

"Huwag ka nang babalik sa tindahan ko!"

Humampas ang puwitan ni Death sa matigas na simento. Sa sobrang sakit, halos hindi siya makatayo.

"Ang matandang iyon! Tandaan n'ya ang araw na ito! Dahil sinisigurado ko sa kaniya na magkikita pa kami ulit kapag malapit na s'yang mamatay! At hinding hindi ko s'ya bibigyan ng discount para pahabain pa ang buhay n'ya!"

Tumayo si Death para pagpagan ang kaniyang narumihang coat at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pamimili.

Mayamaya pa ay may naamoy na kakaiba ang anghel na si Death, amoy ng isang nilulutong tinapay. Kakaiba iyon sa pangkaraniwang matamis na tinapay na naamoy na niya. Parang niyayakap ng masarap na amoy na iyon ang kaniyang ilong at inaakit siyang hanapin ang pinagmumulan niyon.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon