Vol. 7 Kapitel Sixty Seven: "The Battle of Ir David (Last Part): Lay Bare"

1.3K 57 38
                                    

Kapitel Sixty Seven: "The Battle of Ir David (Last Part): Lay Bare"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"Mukha yatang pinalakas mo ng husto ang binatang ito kaysa noong huli ko siyang nakaharap. Ibig bang sabihin nito'y sa kaniya ka na permanenteng mananahan, Graal?"

Ikinagulat ni Haru ang pagbanggit ng dalagang nakadamit-panluksa na si Agatha sa pangalan ng kaniyang treasure na si Graal, na para bang sa tono ng pananalita ng dalaga'y matagal na panahon na nitong kilala ang kaniyang pihikang sandata.

"Kilala niya si Graal? Pero paano? Kailan pa?"

At habang nasa kalagitnaan ng pagkagitla niya si Haru ay sinamantala naman ni Agatha ang pagkakataon para makalapit siya ng husto sa binata. Dinikitan niya si Haru malapit sa kanan nitong tainga para malinaw na marinig ng nakikinig na si Graal ang tinig niya.

"Ba't hindi ka muna lumabas d'yan sa lungga mo't magpakita ka sa akin?" Ani Agatha na patama niya sa nananahimik ngunit nakikinig na si Graal. "Magkumustahan muna tayong dalawa. Sigurado akong nasasabik ka nang muli akong makita, aking Graal."

*****

Pakiramdam ni Haru ay may kung anong nagimbal sa loob niya matapos umugong ang tinig ni Agatha sa kaniyang tainga. Walang anu-ano'y awtomatikong kumilos ang katawan niya upang dumistansya kay Agatha at pagkatapos ay saka siya muling pumorma't naghanda sa pakikipaglaban.

"O, bakit? Ginulat ba kita?" Halatang inaaliw lang ni Agatha ang kaniyang sarili habang pinagmamasdan niya ang balisang mukha ni Haru. "Huwag mong sabihin sa akin na walang anumang sinabi sa iyo ang Treasure mong si Graal? Hindi manlang ba niya ako nabanggit sa iyo?"

Humigpit ang pagkakahawak ni Haru sa kaniyang sibat. Wala siyang naisagot sa mga tanong sa kaniya ni Agatha dahil ang totoo, maski siya ay wala ring gaanong nalalaman tungkol sa sarili niyang Treasure na si Graal at ni minsan ay hindi rin ito nagkuwento tungkol sa personal nitong buhay.

Kaya naman ang pinakamainam na naisip ni Haru para masagot ang mga tanong sa kaniyang isipan ay ang direktang tanungin ang treasure niyang si Graal.

"Alam kong naririnig mo ako, Graal." Wika ni Haru na para bang nakikipag-usap lang siya ng harapan sa kaniyang pihikang treasure. "May alam ka ba sa sinasabi ng babaeng ito? Kilala mo ba siya?"

At nagsalubong nang wala sa oras ang mga kilay ni Graal na noo'y tahimik na nakaupo sa kaniyang magarang silya habang hawak ang isang tasa ng tsaa na lumamig na't hindi na nainom pa dahil sa pagtutok niya sa mga kaganapan sa labas ng katawan ni Haru.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon