Vol. 1 Kapitel Nine: Pinky Swear

3.2K 166 43
                                    

Kapitel Nine: Pinkie Swear

*****

Isang "Pangako"

Iyon nalang ang natitirang bagay na mayroon ako mula sa nasira kong kaibigan na si Haru. Isang bagay na pinanghahawakan ko, magmula noon at magpahanggang ngayon...

*****

Tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang narinig ng dalagitang si Yufa.

Tok! Tok! Tok!

"Papasok na ako, Yufa."

Binuksan ng dalagang si Lumier ang pintuan ng kuwartong inuupahan ng magkapatid na Yufa at Haru Farell. Noon paman ay malaya nang nakakalabas-pasok sa paupahang silid na iyon ang dalaga. Siya lamang kasi ang maituturing na "kapamilya" ng magkapatid kahit hindi naman niya talaga "tunay" na kadugo ang mga ito.

"Nagdala ako ng mga prutas."

Inilapag ng dalaga ang isang basket ng iba't-ibang klase ng prutas sa mesa. Naabutan niya si Yufa na nasa harapan ng altar kung saan naroon ang litrato ng namayapa nitong kapatid na si Haru.

Sandaling natigilan si Lumier pagkatapos niyang makita si Yufa sa ganoong malungkot na eksena. Hangga't maaari, nais ni Lumier na maging matatag at huwag nang sumabay pa sa pagluluksa ng nakababatang kapatid ng namayapa niyang "matalik na kaibigan" na kaniya ring "pinaka-espesyal na lalaki" sa lahat.

"Kumain ka na ba? Kasi kung hindi pa, pwede nating pagsaluhan ang mga ito."

Inihanda ni Lumier ang mga prutas para hugasan sa isang palanggana na may laman na tubig. Habang si Yufa naman ay nanatiling walang-imik noong mga oras na iyon. Nakatingin lang siya sa kumukurap-kurap na liwanag ng kandila na halos mangalahati na ang haba. Hindi naman nakatiis si Lumier at agad niyang nilapitan ang dalagita para tapikin ang balikat nito.

"Yufa?"

Doon lang nagising sa kaniyang matagal na pagkatulala ang dalagitang si Yufa. Agad niyang nilingon si Lumier na nasa kaniyang likuran napatanong nang wala sa oras.

"A—Ate? K--kailan ka pa nand'yan?"

"Ngayun-ngayon lang ako dumating."

Walang nagawa si Yufa kundi ang humingi ng paumanhin.

"P—pasensya na Ate. Ano kasi...."

Alam ko.

Iyon sana ang nais idugtong ni Lumier sa naudlot na sinabi ni Yufa. Ngunit hindi niya ito nagawang sabihin dahil alam maski siya ay ganoon din ang nararamdaman.

Matinding pangungulila.

Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon, Yufa. Kasi gan'yan din ang nararamdaman ko ngayon.

Sa kabila nito, minabuti parin ni Lumier na magpakita ng katatagan at ngumiti sa dalagitang si Yufa.

"Gusto mo ba na kumain? May dala akong mga prutas. Alam ko na hindi ka gaanong kumakain ng maayos nitong mga nakaraang araw."

Ngumiti naman pabalik si Yufa at tumugon.

"Maraming salamat, Ate."

"Huwag mong alalahanin 'yon. Tara, kainin na natin ito."

Pinagsaluhan nina Yufa at Lumier ang mga prutas. Ngunit hindi gaya ng dati, ang kanilang naging pagsasalo ay kasing lungkot ng papalubog na araw. Walang sigla at punung-puno ng kalungkutan.

Hindi ko alam kung paano ko pa maibabalik 'yong dati. 'Yong dati na masaya at punung-puno ng magagandang alaala. Sinubukan ko na paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang mga nangyari, pero kahit na anong gawin ko, binabangungot parin ako ng katotohanang 'ang nawala na sa iyo ay hindi na maibabalik pa'. Wala na s'ya. Wala na si Haru. At iyon ang katotohanan na hindi magbabago...

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon