Ghost Retriever Side Story Five: The Angel Who Never Sleeps (Part 1)

701 41 27
                                    

Ghost Retriever Side Story Five: The Angel Who Never Sleeps (Part 1)

*****

Naganap ang pangyayaring ito isang linggo bago ang naging misyon ni Haru sa Pilcante, Italy (see chapter 29-37)

------

Kulang-kulang na dalawang buwan narin na nagtatrabaho si Haru sa Hallow Treats, ang itinuturing na pinakamalaki at pinakakilalang pagawaan ng matatamis sa kanilang lugar. At sa loob ng mga panahong iyon na nagtatrabaho siya sa nasabing pabrika ay marami siyang naobserbahan at natuklasan na siya namang kumiliti sa kaniyang kuryosidad. Isa na roon ang pagkakaroon nila ng mga kakaibang mga patakaran sa pabrika, tulad ng pagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng tinatawag na sugar break (bagamat may ideya na si Haru kung bakit may ganoong klase ng break time sa kanilang pabrika), pagbabawal sa kape, tsaa at maaanghang na pagkain sa kantina, at pagbabawal sa pagdadala ng pepper spray sa loob ng pagawaan bilang self-defense.

Pero higit sa mga bagay na ito, may isang bagay pa na talagang palaisipan sa baguhang si Haru. Bagay na hindi naman talaga sana niya papansinin noong una. Ngunit nagkataon kasi na napalagay siya noon sa panggabi at napadaan siya sa opisina ng kanilang boss na si Death. Hindi ugali ni Haru ang sumilip sa mga pribadong silid tulad ng opisina. Subalit nagtaka siya dahil sa loob ng isang linggo na siya ay nagpanggabi, hindi pa niya nakitang umuwi si Death upang magpahinga. Bukas din parati ang ilaw ng opisina nito. At sa tuwing tumatanaw siya sa binata ng opisina o 'di kaya'y palihim na sumisilip sa pinto, ang nakikita lang niya'y isang abalang "Death Adder" na kung hindi pumipirma ng mga tambak ng papeles ay nagtatayo mga tore ng candy at choco wafer sa kaniyang mesa.

Ni minsan, hindi niya ito nakita na natulog.

Kaya naman nang makabalik siya sa pang-umaga na shift at habang nasa cafeteria siya kasama ang mga katrabaho niyang sina Allain, Hue, at Kendall ay naisipan ng binata na magtanong tungkol sa kakaibang obserbasyon niya sa kanilang boss na si Death.

"Nakita n'yo na ba si Death na matulog?"

Nahiwagaan naman sa tanong na iyon ang tatlo na abala sa kanilang pagkain.

"Eh? Bakit?" Usisa ni Kendall. "Anong meron?"

Noong una'y nag-aalangan si Haru na magsabi lalo na't obserbasyon lang naman niya ang dahilan ng kaniyang kakaibang pagtatanong.

"Galing kasi ako sa night shift noong nakaraan tapos..."

"Tapos nakakita ka ng multo?!" Hindi paman nakakatapos sa pagsasalita si Haru ay inunahan na agad siya ng kuro mula kay Allain. Palibhasa'y hindi nakikinig ang binatilyo sa mga naunang usapan kanina kaya inakala niya na ikinukuwento ni Haru ang karanasan nito sa una niyang night shift.

"Hindi...hindi multo." Pagtatama naman ni Haru sa haka ni Allain. "Tungkol nga kay Death ang tanong ko, 'di ba?"

"Sus, Allain!" Sabay banat ni Kendall na katabi lang ng binatilyong si Allain. "Hindi ka naman nakikinig eh! Anong multo ang sinasabi mo eh ghostless factory nga 'tong pabrika natin?"

"Malay n'yo naman, may naligaw?"

"Pero..." Sa pagkakataong iyon ay ang kalmadong miyembro naman ng grupo na si Hue ang nagsalita. "...bakit mo naman naitanong kung nakita na ba namin si Death na natulog? Anong problema?"

"Wala lang..." Idinaan na lang ni Haru ang usapan sa pagsundot sa kinakain niyang gelatin. "...napansin ko lang kasi na sa buong isang linggo na nag-shift ako ng panggabi, hindi ko s'ya nakitang natulog."

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon