Vol. 3 Kapitel Twenty One: "Open Enemy"

2.5K 127 111
                                    

Kapitel Twenty One: "Open Enemy"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel Twenty One: "Open Enemy"

*****

Ang nakaraan sa Ghost Retriever...

"Paanong hindi ko malalaman ang lahat tungkol sa iyo?" lumapit ng husto ang misteryosong lalaki kay Haru at saka nito iniangat ang mukha ng binata gamit ang kaniyang tungkod. "Eh ako ang pumili sa iyo."

Nanlaki ang mga mata ni Haru sa kaniyang narinig at natagalan bago niya naunawaan ang tinuran ng lalaki.

"T-teka...pinili? A-ako? H-huwag mong sabihin sa akin na....ikaw si--"

Nagbigay ng makahulugang ngiti ang lalaki sa binatang si Haru. Walang sabi-sabi ay dinikitan niya si Haru at binulungan malapit sa kanang tainga nito...

"Ako nga ito. Ako...si Graal."

*****

Hindi kumurap ang mga mata ni Haru sa loob ng mga ilang sigundo pagkatapos niyang marinig ang isiniwalat ng misteryosong lalaki na kaharap niya.

"I-ikaw...si Graal?"

Naningkit bigla ang mga mata ni Graal sa natanggap niyang reaksyon mula kay Haru. "Uulit-ulitin ko pa ba sa iyo ang sinabi ako?"

Hindi naman intensyon ni Haru na ulit-ulitin ang sinabi ng lalaking nagpakilalang si "Graal", sadya lang talaga na nabigla siya at iyon ang naging inisyal na reaksyon niya.

"H-hindi, hindi sa gan'on pero..."

Kumunot bigla ang noo ni Graal. Agad-agad nitong itinutok ang matulis na bahagi ng kaniyang tungkod sa lalamunan ni Haru, sabay sabi na...

"Kapag sinabi ko na nang isang beses, hindi ko na ulit uulitin 'yon."

Napalunok ng dahan-dahan si Haru. "O-o-okay..."

Pagkatapos ay inignora na ni Graal ang binata. Lumapit ito sa lamesita kung saan nakapatong ang isang tasa ng tsaa na hindi niya naubos kanina. Kinuha niya ito at saka hinipan. Ilang sandali pa'y lumabas ang mainit-init na usok mula sa tasa, indikasyon na mainit na ang laman nito na tsaa at p'wede na ulit inumin.

Bahagyang ikinamangha ni Haru ang kaniyang nasaksihan. 'N-napainit n'ya yung tsaa!'

Umupo si Graal sa magara niyang silya. Naka-dik'watro pa ito habang humihigop ng ininit na tsaa. Naghintay naman si Haru sa anumang sasabihin ni Graal sa kaniya, subalit sa loob ng humigit kumulang limang minuto ay hindi siya kinikibo ni Graal. Pakiramdam tuloy ni Haru ay napaglalaruan siya, kaya naman hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na hindi manita.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon