Vol. 3 Kapitel Twenty Eight: "The Dead Man's Secret"

1.9K 108 103
                                    

Kapitel Twenty Eight: "The Dead Man's Secret"

*****

Kasagsagan ng malakas na pag-ihip ng hangin sa kalupaan ng impyerno. Nagpapaligsahan ang mga butil ng buhangin sa pagbayo nito sa mga naglalakihang mga bato na lumilikha naman ng nakakarinding tunog. Mayamaya pa'y nagsimula nang umulan ng apoy mula sa kalawakan. Mabilis na tinupok ng apoy ang buong dalampasigan, hanggang sa ang bawat butil ng buhangin nito'y magbaga.

Ngunit sa kabila ng ganitong kapaligiran ay may nilalang parin na nagagawang makapamasyal roon ng normal. Gaya nalang ng lalaking ito na nakasuot ng itim na abrigo. Malaya siyang nakakapaglakad sa naglalagablab na buhanginan ng impyerno na hindi manlang natutupok ang kaniyang talampakan. Ni hindi nga niya iniinda ang makapanuyot-balat na init ng kapaligiran at ang makabulag-matang buhangin na nakahalo sa humahagupit na hangin.

"Hum...huhumm...Hum..."

At habang naglalakad ang lalaki sa nagliliyab na tabing-dagat ay sinasabayan niya ito ng paghimig. Gustung-gusto niyang inaawit ang isang kanta na siya rin mismo ang nag-isip...

Sway, sway, swaying between the hazes,

Stars float far into the distant darkness,

Blaze, blaze, blazing their light as they dream,

So they can plank into the clouds and sleep in deep...

Pero naudlot bigla ang masayang pag-awit ng lalaki nang may napansin itong kakaiba sa kaniyang paligid.

"Hm...?"

Biglang huminto sa paglalakad ang lalaki. Napukaw ang atensyon nito sa napakalaking buwal sa lupa malapit sa dalampasigan. Di 'yon normal kaya naintriga siya't nilapitan ito. Doon niya nakita na hindi lang pala basta malaking buwal ang natagpuan niya, kundi isang creater na likha ng malakas na puwersang tumama sa lupa.

"Hm..." dinungaw ng lalaking naka-itim na abrigo ang napakalaki at napakalalim na butas sa sahig ng impyerno kung saan mayroon siyang natanaw na pamilyar na mukha.

"Aba..." ang sabi ng lalaki. Hindi agad ito nagdalawang-isip, itinapat niya ang kaniyang kamay sa malaking butas para i-angat mula sa ilalim ang nilalang na nasumpungan niya---ang salamangkerong si Beval.

*****

"Hay...salamat! Nakalabas rin tayo!" masiglang lumabas mula sa portal ang anghel na si Death. Ang portal ay nasa tapat lang mismo ng selda kung saan nawala ang dalagang si Feah.

"Feah! Yuhuu! Bilisan mo!" hiyaw ni Death sa dalaga na hindi parin lumalabas mula sa portal. Pagkatapos ng ilang minuto ng paghihintay ay lumabas din sa wakas ang dalaga. Sabik niyang nilanghap ang hangin sa paligid para ibsan ang kaniyang pagkahapo dulot ng matinding init sa impyerno.

"Haa..." at dahan-dahang pinakawalan ni Feah sa kaniyang bibig ang hangin na kaniyang nilanghap.

"Ano? Medyo umayos ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Death sa kaniya.

"Oo. Mas mabuti kaysa no'ng naroon ako sa impyerno. K--kaso lang..." biglang puminta ang lungkot sa mukha ni Feah habang nakikipag-usap siya sa anghel, "Pakiramdam ko kasi...pumalpak ako sa misyon na ito."

"Ang totoo n'yan hindi ka pumalpak." nakangising sagot ni Death na ipinagtaka naman ni Feah.

"H--ha? Pero...nabigo akong kompletuhin ang misyon ko rito? Hindi ko natapos ang pangongolekta sa mga kaluluwa rito sa penitensyaryo. Tapos...tapos...si Jonathan." Hindi direktang masabi ni Feah kay Death na nabigo siyang iligtas ang multong si Jonathan na hinigop ng kakaibang puwersa mula sa loob ng selda papunta sa impyerno.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon