Vol. 7 Kapitel Sixty Two: "The Battle of Ir David (Part VI): Land's End"

1.2K 88 95
                                    

Kapitel Sixty Two: "The Battle of Ir David (Part VI): Land's End

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"A--anong balak mo, Graal?"

Halatang kabado si Haru sa pinaplanong gawin ng kaniyang treasure na si Graal para tapatan ang lakas ng kalaban nilang Nefilim na si Ava. Walang babala na dumaloy sa katawan niya ang kakaibang lakas mula sa kaniyang sandatang karit papunta sa kaniyang bawat ugat. Parang mataas na boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa kaniya, bagay na talaga namang nagpaluhod ng husto sa binata dahil sa matinding sakit.

"A--ang sakit!" mangiyak-ngiyak niyang daing kay Graal. "A--ano ito, Graal?!"

Nagpatuloy ang pagbabagong nangyayari sa buong katawan ni Haru, gayundin ang nagaganap na pagbabago sa anyo ng kaniyang hawak na sandata. Bigla na lang lumabas mula sa iba't-ibang bahagi ng katawan ni Haru ang makakapal na baging na may tinik na nagmistulang isang baluti. Nagkaroon din siya ng mga pakpak na gawa sa malalaking talulot ng pulang rosas. At ang kaniyang sandatang karit? Nagmistulan lang naman iyon na isang latigo na puno ng naglalakihan at nagtatalasang tinik na may kakayahang humaba at maging isang solidong sandata tulad ng espada anumang oras naisin ni Haru.

"A--ano ito?!" gulat na gulat si Haru sa bagong anyo ng kaniyang sandata, gayundin sa epekto ng bagong sandata na iyon sa kaniya.

"Isa lang 'to sa pitong anyo ko, bata." sagot ni Graal na may pagmamalaki sa kaniyang tinig. "At mapalad ka, dahil ipaparanas ko sa iyo kung gaano ito kalakas."

*****

"B--bagong...sandata?"

Hindi makausad mula sa pagkagulat si Haru dahil sa kakaiba at napakalakas na kapangyarihan na literal na nakabalot sa buo niyang katawan. Para siyang inaapoy ng lagnat mula sa loob dahil sa tindi ng init na dumadaloy magmula sa kaniyang balat hanggang sa sa pinaka hibla ng kaniyang mga ugat.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon