Vol. 8 Kapitel Seventy Four: "As They Whistle Past the Graveyard"

291 21 18
                                    

Kapitel Seventy Four: "As They Whistle Past the Graveyard"

*****

Kapag pumatay ka ng isang kaaway, isa ang tiyak na papalit. Lumaban ka sa isang burol, at sampu nito ang siguradong uusbong at gaganti.

Sa digmaang ito ng mabuti at ng masama, ng balakyot at ng matuwid, wala ni isang peon ang tatayong matagumpay, ni makakasaliksik ng awa mula sa kaniyang mga kakampi o kaaway.

Dahil sa larong ito, hindi sa pagkapanalo nagtatapos ang labanan...

"Nagtitipun-tipon tayo ngayon para alalahanin ang namayapa nating kapatid na si Ava at ihatid siya sa kaniyang huling hantungan kasama ng mga labi ng kaniyang pinakamamahal na si Antyemsaf"

Makapal na kumot ng katahimikan ang bumalot sa buong cathedral kung saan nagtitipun-tipon ang natitirang anim sa pitong watchers ni Mastema para pagluksaan ang pagpanaw ng nag-iisang prinsesa ng kanilang grupo na si Ava. Akma sa kanilang pagluluksa ang malamlam na liwanag mula sa mga kandilang nakakalat sa apat na sulok ng simbahan, at ang ingay lamang na maririnig ay ang tinig ng paring si Igne na patuloy sa paghahandog ng sermon para sa namayapa at ang malutong ngunit nakalulungkot na tunog ng natutupok na kabaong ng namayapang prinsesa na nakadarang sa isang malaki at naglalagablab na pugon.

"Hindi parin ako makapaniwala na nagawa nilang patayin si Ava." Komento ni Beval, kilala bilang ang "salamangkero" ng grupo at madalas makasama ni Ava noong ito ay nabubuhay pa sa mga misyon. Ito rin ang salamangkerong minsang nagtungo sa impyerno at nakaharap ang isa sa mga tauhan ng Anghel ng Kamatayan kung saan nagkaroon din siya ng pambihirang pagkakataon na makalaban ang nasabing anghel. "Alam ko ang kalibre ni Ava. Hindi siya basta-basta matatalo ng kung sino lang..."

"Ibig lang sabihin niyon ay hindi natin pwedeng maliitin ang lakas ng mga tuta ni Kamatayan." Ito naman ang naging palagay ni Hagne, ang "doktor" ng grupo at siyang nangolekta sa mga labi ni Ava sa disyerto kung saan ito binawian ng buhay. "Bagama't totoo na hindi sila kasing lakas natin, pero may kakayahan parin silang lumamang at baligtarin ang baraha."

"Tuso din ang amo nilang si Kamatayan..." Dagdag pa ni Seti sa kaniyang mga kasama, binansagan bilang ang "kusinero" at siyang nakatoka para sa piging ng pagluluksa. Kakatapos lang niya ipamigay sa kaniyang mga kasama ang mga gintong kopita at patapos na rin siyang lamanan ng alak ang mga ito. "Ako mismo ang makakapagpatunay, naroon ako noong nag-usap sila ni Ama. Maski ang ating Ama ay hindi makapalag basta-basta sa kaniya dahil alam niyang hindi birong kalaban ang anghel na 'yon."

Matapos malamanan ang kopita ng lahat ay saka naglakad malapit sa pugon si Agatha, ang "tagapagdalamhati" ng mga kaluluwa at kilala sa pagsusuot nito ng panluksang-damit. Tahimik na pinagmasdan siya ng lahat, itinaas nito ang hawak niyang kopita at nagbigay ng maikling pananalita sa kaniyang mga kasama.

"Hindi mababali-wala ang sakripisyong ibinigay ni Ava para sa misyon ng ating panginoon. Alalahanin natin kung bakit tayo sumunod at nagbigay ng bahagi ng ating sakripisyo kay Ama tulad ni Ava."

Ang lahat ay tumahimik. Patuloy na pinakinggan ng mga natitirang miyembro ang talumpati ni Agatha kasabay ng pag-aalay ng mga ito ng kopita na may laman na alak sa harap ng nagliliyab na pugon.

"Bagamat ang layunin ng ating Ama ay subukin ang pananampalataya ng mga anak ni Adan, tayo na kaniyang mga pinili, ang misyon natin ay gawin ang panunubok sa mga tao at ihayag ang kanilang likas na kasamaan. Pero alalahanin parin ninyo, aking mga kapatid, ang personal ninyong mga dahilan kung bakit kayo umanib sa layuning ito. Lahat tayo ay iisa ng gustong mangyari, at iyon ay ang..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon