Vol.7 Kapitel Sixty Six:"The Battle of Ir David(Part IX):An Unavoidable Result"

788 51 40
                                    

Kapitel Sixty Six: "The Battle of Ir David (Part IX): An Unavoidable Result"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"D--Dante?!"

Hindi halos nakakurap ni nakapagsalita't nakakilos sina Hue at Feah matapos ang ginawang pagharang sa kanila ng isa sa pinagkakatiwalaan nilang kasamahan na si Dante.

"Anong ginagawa mo rito, Dante?!"

"At anong ibig sabihin nito?!"

Hindi sinagot ni Dante ang sunud-sunod na tanong ng kaniyang mga kasama. Sa halip, inalis ni Dante ang nakatutok niyang sandata sa dalawa at saka niya ito itinutok sa kalaban nilang si Agatha.

"Huwag kayong mag-alala. Nandito ako para sa kaniya."

Buong tikas na hinarap ni Dante si Agatha na noong mga oras na iyon ay nakatitig sa kaniya ng malalim at may matinding galit. Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin gayundin ang bumibigat na presensya sa paligid, buong tapang na sumulong si Dante at pinagbagong anyo ang kaniyang sandata na si Granat upang maghanda sa pakikipag-laban.

"Nandito ako para tapusin ka, Agatha!"

*****

Dahan-dahan na umarko pataas ang mga labi ng dalagang si Agatha habang nakatitig siya sa matapang na mga mata ng binatang si Dante na ngayo'y nakatayo't handang kalabanin siya anumang oras.

"Hindi ko inaasahan na magpapakita ka rito, Dante." Ani Agatha sa kaniya. Pero ang totoo, inaasahan na niya ang pagdating doon ng binata para pigilan siya. "Ang buong akala ko pa nama'y malinaw na ang naging usapan nating dalawa noong huli tayong nag-usap."

Nanigas sa kinatatayuan niya si Dante kasabay ng hindi niya pag-imik sa sinabi ng dalaga. Pinakiramdaman niya ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kasama na nakarinig sa sinabi ni Agatha.

"Anong sinasabi ng babaeng 'yan?" Napatanong si Hue sa kasamahan niyang si Feah na katulad niya'y naguguluhan sa takbo ng mga pangyayari. "Anong pinag-usapan?"

Hindi sinagot ni Feah ang tanong ng kaniyang kasamahan. Sa halip, ibinato niya ang tanong kay Dante at nagwika...

"Anong pinag-usapan ang sinasabi ng kalaban, Dante? Huwag mong sabihin sa amin na..."

Nanatiling gapos ng kaniyang pananahimik si Dante, tanda na mayroon itong hindi sinasabi sa kaniyang mga kasamahan na may kinalaman sa kanilang mga kalaban. Malinaw itong napansin ng madreng si Miranda na kasalukuyang bihag ng mga kalaban sa loob ng isang bilog na simbulo na lumitaw sa lupa. Dahil doon kaya unti-unting nabuo sa isip ng madre ang teoryang si Dante ang binabanggit ng kaniyang boss na si Death na matagal nang bumabaligtad sa kanila.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon