Vol. 6 Kapitel Fifty Four: "The Man of Kerioth (Part I)"

1.2K 91 37
                                    

Personally dedicated to @kirah_023 maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa Ghost Retriever at sa iba ko pang nobela! Magustuhan mo sana! Muah!

~~ Ate Yoshi ~~

*****

Kapitel Fifty Four: "The Man of Kerioth (Part I)"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel Fifty Four: "The Man of Kerioth (Part I)"

*****

Araw noon ng kapistahan ng Paskwa...

Nagtipun-tipon ang mga tao upang saksihan ang paghatol sa isang lalaki na kilala rin ng lahat sa tawag na "Guro"

"Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong makitang kasalanan sa kaniya!"

Iniharap sa taong-bayan ang Guro na may suot na koronang tinik at balabal na kulay ube.

"Sige! Pagmasdan ninyo siya!"

Namayani ang nakabibinging sigawan ng mga tao. Bata man o matanda ay iisa ang nais na mangyari sa Guro...

"Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus! Ipako sa krus!"

Sa gitna ng mga galit na taong-bayan ay palihim na nakihalo ang isang lalaki. Nasakasihan niya ang pagpataw ng parusang kamatayan sa kaniyang Guro na wala namang nagagawang anumang kasalanan.

"Diyos ko," ang sabi niya sa kaniyang sarili na may matinding panginginig dulot ng pagsisisi. "A-anong ginawa ko! Guro!"

Litung-lito ang lalaki noong mga oras na iyon. Humalo sa hiyawan ng mga tao ang matinding panlilibak ng kaniyang budhi. Hindi niya ito nakayanan, kaya agad siyang lumayo sa bulto ng mga tao at nagpatirapa sa isang tabi. Punung-puno ng pagsisisi ang kaniyang pagtangis para sa kaniyang guro na nagawa niyang pagtaksilan at ipagbili.

"Guro! Guro!"

Walang anu-ano'y tumayo ang lalaki. Tumakbo siya't dali-daling nagtungo sa punong pari bitbit ang isang supot na naglalaman ng salapi.

"Nagkasala ako!" Ang sabi niya. "Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan!"

Inihagis ng lalaki ang bitbit nitong supot sa loob ng templo at kumalat sa sahig ang laman nito:

Tatlumpung piraso ng pilak.(1)

Ang halaga na kaniyang natanggap kapalit ng kaniyang Guro na ngayo'y hinatulan na ng parusang kamatayan.

"Ano ang pakialam namin sa iyo?" Ang sagot sa kaniya ng punong pari ng templo. "Bahala ka sa buhay mo!"

Muling tumangis ang lalaki. Puno siya ng pagsisisi, ngunit batid niya na wala nang puwang pa ang kapatawaran sa tulad niyang nakagawa ng isang napakalaking pagkakamali.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon