Vol. 5 Kapitel Forty Four: "True Grit"

1.2K 93 41
                                    

A/N: Personally dedicated to @zhixiamaria. Thank you so much for your support!

*****

Kapitel Forty Four: "True Grit"

*****

Ang nakaraan sa Ghost Retriever...

"Actually, may naisip na akong solusyon d'yan." Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ng anghel na si Death, tanda na may niluluto na naman itong kalokohan at sinabing..."Gawin natin ang Death Drill!"

"Death...Drill?"

Sa pagkakataong 'yon ay sumingit na sa usapan si Miranda na bahagyang tutol sa naisip na solusyon ng anghel.

"Teka! Matagal na nating pinahinto ang drill na 'yon?! Bakit mo 'yon ipagagawa sa kaniya?!"

At nangatwiran naman ang anghel. "Wala lang. Gusto ko lang. May angal ka ba do'n?"

"Pero ang drill na 'yon ay....?"

"...makakatulong ng malaki kay Haru para lumakas siya't makasabay sa malalakas nating kalaban." diretso at walang halong alinlangang sagot ni Death. "Makakatulong kay Haru ang drill para matuklasan niya ang mga kahinaan at kakulangan niya. Preperasyon narin ang drill na 'yon para sa pinaka importanteng bahagi ng training. Alam mo na kung anong ibig kong sabihin, hindi ba?"

*****

"Hindi nga? Seryoso?"

"Oo! Seryoso!" isang tsismis ang ibinida ni Allain sa mga kasamahan niyang Ghost Retriever nang bigla silang ipatawag ni Death para sa isang espesyal na pagpupulong. Lahat sila'y inatasan ni Death na maghintay sa loob ng silid-pulungan, isang silid na walang gaanong kasangkapan maliban sa isang malaki at malapad na mesa at mga kahoy na upuan. "Ang dinig ko pa nga, napabagsak siya ng kalaban na wala manlang siyang laban! Hindi ba't nakakapagtaka 'yon?!"

"Hm...nakakapagtaka nga 'yan." komento ni Kendall habang nakikipaglaro siya ng baraha sa kasamahan niyang retriever na si Hue. "Nakita ko nang lumaban si Haru noong huling misyon namin sa loob ng astral plane, kaya parang imposible na napabagsak siya ng ganoon na lang ng iisang kalaban?"

"Posible 'yon---dahil lampa siya't mahina." diretso at walang patumpik-tumpik na komento ni Dante na kanina pa nakikinig sa tsismisan ng kaniyang mga kasama. "Kaya lang naman siya nagiging malakas ay dahil nasa kaniya si Graal. Napatunayan ko na 'yan sa naging misyon namin kamakailan lang sa Pilcante. Nakakasabay lang siya 'pag gamit niya si Graal. Pero sa oras na inalis mo sa kaniya ang treasure niya, tiyak na patay siya."

"Grabe ka naman kay Haru, Dante!" protesta ni Allain sa nagsusungit na si Dante. Ngunit sa pagkakataong iyo'y si Hue naman ang sumabat sa usapan at sinabing...

"Tingin ko tama si Dante."

"Eh?" kapwa napasulyap sina Allain at Kendall sa nagsalitang si Hue na kasing patag parin tulad ng dati ang reaksyon at pananalita.

"Tingin ko," ani Hue sa dalawa, "Ang lakas ni Haru sa tuwing lumalaban siya ay hindi talaga galing sa kaniya kundi galing lang lahat sa treasure niyang si Graal. Bukod do'n, alam naman nating lahat na sumpungin ang treasure n'ya. Kung kailan lang gustong makipag-isa ni Graal kay Haru, doon lang ito magpapakitang-gilas. Sa madaling sabi..." at ibinaba ni Hue ang baraha niya sa mesa, saka nito sinabi na... "Kung sasabak si Haru sa labanan na umaasa lang sa kapangyarihan ng kaniyang treasure, tiyak na patay nga siya."

Nanlaki ang mga mata ni Kendall, hindi dahil sa mga sinabi ni Hue, kundi dahil sa mga ibinabang baraha ng kalaro niyang binata – isang perpekto at malinis na royal flush.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon