Vol. 7 Kapitel Sixty One: The Battle of Ir David (Part V): The Queen's Gambit

1.1K 65 53
                                    

This chapter is specially dedicated to...

@twinsoul_julis

Thanks sa all-out support mo sa Ghost Retriever!

Batiin po natin siya ng belated "Happy Birthday!"

Kaarawan niya kasi noong March 2 at isang simple dedication ang ni-request niya sa akin. Dalang lang talaga na sobrang busy ni Ms. A kaya hindi ako nakapag-update sa tamang oras.

Happy Birthday sa iyo! Many many more birthdays to come!

*****

Kapitel Sixty One: The Battle of Ir David (Part V) The Queen's Gambit

*****

Isa siyang prinsesa at itinuturing na hiyas ng Babilonia*.

Kilalang matapang at pinangingilagan ng mga kalalakihan.

Itinuturing siya na pinaka maganda sa lahat ng kababaihan. Mayroon siyang magandang balat at mamula-mulang mukha. Taglay niya ang postura ng isang kagalang-galang na pinuno na kayang magpasunod ng isang malaking hukbo ng mga mandirigma.

Isa rin siyang matalinong prinsesa. Higit ang talino niya kaysa sa kanyang mga hinalinhan. Hindi matatawaran ang kaniyang mga nagawa, gayundin ang mga karangalan na ibinigay niya sa ngalan ng kaniyang kaharian.

Ngunit tulad din ng iba, ang prinsesang ito'y mayroon ding kahinaan.

"Antyemsaf*!"

Lumapit ang prinsesa sa isang binata. Hindi nagkakalayo ang kanilang edad, maging ang kanilang mukha at postura. Tulad ng prinsesa, nahahayag sa magarang bihis ng binata ang katayuan nito sa kaharian. Napapalamutian siya ng ginto sa kaniyang dibdib, at balot ng mamahaling alahas ang kaniyang mga braso't binti.

"Ikaw pala," sinalubong ng binata ang dalagang prinsesa ng matamis na ngiti. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap?"

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon