Vol. 4 Kapitel Thirty Six: "A legend in One's Own Past"

1.7K 90 63
                                    

Kapitel Thirty Six: "A Legend in One's Own Past"

*****

Mga boses...

Mga iyak...

Mga kaluskos...

"Naririnig ko silang lahat."

Mga anino...

Mga taong unang beses ko palang nakita sa buong buhay ko...

Mga luha sa kanilang mga pisngi...

Matinding galit sa kanilang mga mukha...

Mga nanlilisik nilang mga mata...

"Malinaw ko silang nakikita kahit saan ako magpunta."

Paghihinagpis...

Lungkot...

Pag-iisa...

Galit at poot...

"Nararamdaman ko maging ang mga nararamdaman nila."

Hindi sila basta katha lang ng isip ko. Totoo sila...

"Hindi sila totoo, naiintindihan mo ba!"

Hindi, totoo sila.

"Nababaliw na siya! Nababaliw na siya!"

Hindi ako nababaliw. Alam kong totoo sila. Nakikita ko silang lahat. Naririnig ko ang mga daing nila. Nararamdaman ko ang mga nararamdaman nila. Humihingi sila ng tulong, pero walang sumasaklolo sa kanila.

"Bakit ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi ko?"

Hindi ako makagalaw. Kinabitan nila ako ng mga kadena sa kamay at sa paa. Ikinulong nila ako rito sa loob ng madilim na piitan. Malamig rito, masikip, at nakakatakot. Inilagay nila ako rito dahil hindi sila naniniwalang may nakikita ako na 'di nila nakikita. Baliw daw ako, ang sabi nila. Totoo po ba 'yon?

"....Ina?"

Tumingala ako at nakita ko si Ina. May nakapulupot na lubid sa leeg niya habang siya'y nangangatal. Umahon sa gilid ng mga mata niya ang kaniyang mga luha habang buong habag akong pinagmamasdan.

"Ang sabi ng mga tao, nagpakamatay ka raw. Nagbigti ka raw nang dahil sa akin. Totoo po ba 'yon, Ina?"

Hindi sumagot sa akin si Ina. Sa halip, nangisay siya at sumigaw ng malakas. Ang mga luhang umaagos sa pisngi niya ay naging dugo habang marahas na nag-aamok ang kaniyang mga kamay para kalmutin ako ng kaniyang mga kuko.

"Bakit po, Ina! Bakit?!"

Pilit kong sinalag ang mga kalmot ni Ina. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa aking balat at laman. Gumuguhit 'yon na parang libu-libong mga patalim na nagkakaskasan. Kasabay niyon ay napuno ang utak ko ng mga sigaw ni Ina. Nangungusap ang tinig niya at sinasabing, "Bakit ka pa isinilang!". Dinurog ng katotohanang iyon ang buo kong pagkatao, hanggang sa naging pulbos ang mga ito at tuluyang naglaho.

Mag-isa nalang ako ngayon sa kawalan...

Umiiyak akong mag-isa sa isang mundong walang kalaman-laman.

Hanggang sa...

"Halika, anak...!"

Bigla nalang may sumakal sa leeg ko't ibinaon ang kaniyang mga kuko sa aking lalamunan. Bumulwak sa mga nalikhang butas sa lalamunan ko ang mainit-init na pulang dugo. Hindi pa ito nakuntento't dinukot naman niya ang mga mata ko at walang habas na kinain ang mga 'yon. Pagkatapos ay isinunod naman niya ang dalawa kong tainga at pinilas ang mga ito sa balat ko.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon