Vol. 4 Kapitel Thirty One: "Royal Flush"

1.9K 111 74
                                    

Kapitel Thirty One: "Royal Flush"


*****

Ang pag-akyat sa langit ay hindi biro...

"996...997...998...999!"

At maraming beses na itong napatunayan ni Death...

"Phew! Sa wakas, nakarating din!"

Matapos ang siyam na raan at siyam na pu't siyam (999) na baitang na inakyat ni Death, sa wakas ay nakarating din siya sa pinakamalapit na pintuan papunta sa langit, ang misteryoso at kilalang arko ng *Tianmen sa bansang Tsina.

Binitawan sandali ni Death ang mga bitbit niya at saka niya kinuha ang susi na nakasukbit sa kaniyang leeg. Itinapat niya ang susi sa bungad ng nakaarkong bato at sinabing...

"Papasukin mo ang lingkod ng Panginoon."

Kung kanina'y tagusan ang tanawin na makikita sa arko, ngayo'y bigla itong binalot ng makapal na hamog na sinabayan ng nakakasilaw na liwanag. Pagkatapos magbukas ng pintuan patungo sa langit ay saka muling kinuha ni Death ang kaniyang mga gamit at pumasok sa nabuong lagusan sa arko. Pagtagos niya sa hamog at liwanag ay bumungad sa kaniya ang napakahabang hagdan paakyat sa kaharian ng langit kung saan siya patungo. Gawa ito sa makintab na puro at solidong ginto, habang ang paligid nama'y balot ng makapal na mga ulap at mga hamog.

Ngunit imbis na masiyahan ang arkanghel sa kaniyang pag-uwi, tila ba lalo itong napagod at kalauna'y tinamad. Sino ba naman ang hindi? Matapos niyang umakyat ng 999 na baitang papunta sa Tianmen Arc ay aakyat na naman siya ng panibagong 'sanlibong baitang para lang makarating siya sa tarangkahan ng kalangitan.

"Haist, ma-i-suggest nga kay Mikael na gawing escalator itong hagdanan papuntang tarangkahan ng langit! Buti sila kayang lumipad! Samantalang ako...." biglang inudlot ni Death ang hinaing niya sa kaniyang sarili. Bigla siyang namula, ngunit ang pamumula niya'y dulot ng hiya sa isang munting sikreto na siya, si Miranda at ang mga nilalang ng kalangitan lang ang nakakaalam.

"Hay nako, 'di bale na nga! Masimulan na nga ang marathon na ito nang matapos na!"

Sinimulan na ni Death ang kaniyang pag-akyat. At habang umaakyat siya ay sige rin ang pagkain niya ng mga baon niyang minatamis. Karamihan sa mga dala niya'y pasalubong niya. Ang iba naman ay miryenda niya habang nasa daan. Kahit papaano ay nawawala ang pagod at inip niya sa pagkain ng mga matatamis na pagkain, lalo na kung mahigit limang daang hakbang paakyat pa ang kailangan niyang gawin bago siya makarating sa tuktok.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-akyat ay isang *Kerubim ang nakasalubong niya sa daan. Kilala siya bilang "Ang Mukha ng Diyos" at siyang nagbabantay sa tarangkahan ng Eden gamit ang kaniyang nagliliyab na espada.

"Tignan mo nga naman kung sino ang dumating!" ito ang naging pagbati ng kerubim sa anghel na si Death.

"Aba? Ikaw pala, *Uriel!" masayang pagbati rin ang itinugon ni Death sa kerubim na tinawag niyang Uriel.

Nagkasalubong ang dalawa sa gitna ng daan. Itiniklop ni Uriel ang kaniyang nagliliyab na mga pakpak at hinarap na may kagalakan ang kaniyang kasamahang anghel.

"Matagal-tagal narin nang huli kang umuwi rito?"

"Ah, oo." sagot naman ni Death. "Kailangan kong mag-report sa Kataas-taasan."

"Ah, ganoon ba?" at napansin ni Uriel ang malaking bag na sukbit ni Death sa kaniyang likod.

"Nagdala ka na naman ng mga pagkain na galing sa lupa?"

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon