Vol. 6 Kapitel Fifty Five: "The Man of Kerioth (Part II)"

1.4K 112 80
                                    

Kapitel Fifty Five: "The Man of Kerioth (Part II)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel Fifty Five: "The Man of Kerioth (Part II)

*****

Nakarating ang paghahanap ni Judas sa bato na hugis kahon na 'di umano ay naiwala ng anghel na si Death sa isang lumang kumbento kung saan matatagpuan ang isang maliit na bayan. Nagpasiya siyang pumunta roon upang magtanung-tanong tungkol sa bagay na hinahanap niya. Ngunit bigo siyang makakuha ng impormasyon. Wala ni isa man sa mga taong nakatira malapit sa kumbento ang nakakaalam sa nasabing kahon maliban sa isang nakapangingilabot na kuwento tungkol sa isang madre na 'di umano'y nakatira sa kumbento at alipin 'di umano ng isang demonyo.

"Ano kamo? Isang....demonyo?"

"Kaya nga huwag kang pupunta sa kumbentong iyon..." Paalala sa kaniya ng mga nakausap niyang taong-bayan. "Mapanganib! Baka hindi ka na makalabas pa ng buhay tulad ng nangyari sa mga taong nagtangkang dumayo roon!"

Hindi inakala ni Judas na muli niyang maririnig ang salitang iyon.

Demonyo.

Huli siyang naka-enkuwentro ng isang demonyo noong kasama pa niya sa paglalakbay ang kaniyang Guro at mga kapatid niyang apostol. Ngunit tagapag-ingat lang siya noon ng salapi, at wala siyang gaanong karanasan sa pagpapalayas ng demonyo hindi tulad ng mga kapatid niyang apostol. Kaya naman hindi niya naiwasang hindi makaramdam ng kaunting pangamba. Pero sa kabila niyon ay lumamang parin ang kagustuhan niyang matapos ang misyon na ibinigay sa kaniya ng anghel na si Death. Hindi siya maaaring mabigo, kaya naman nagtungo ang dating apostol sa lumang kumbento ng mga madre na ngayon ay balot na ng lumot at napapaligiran ng mga nagtataasang damo upang alamin ang totoo sa likod ng hinahanap niyang kahon.

Hanggang sa...

"Tao po!"

Pumasok si Judas sa loob ng lumang kumbento. Ngunit hindi niya inasahan na maganda pala ang loob nito kumpara sa labas. Gawa sa makintab na kahoy ang sahig na pinturado ng barnis. Ang mga salamin ay gawa sa pinagtagpi-tagping makukulay na salamin, na kapag tinamaan ng sinag ng araw ay lumilikha ng kakaibang ganda.

Ngunit kung mayroon mang bagay sa loob ng kumbentong iyon na ikinahinto niya. Iyon ay walang iba kundi ang imahe ng kaniyang guro na nakapako sa krus na nasa gitna ng dambana. Napapalibutan ito ng sariwang mga bulaklak na nasa plorera at mga kandila na nakalagay sa mga antigong kandelabra. Dahan-dahan niyang nilapitan ang imahe ni Hesus na nakapako sa krus at siya'y lumuhod na may nangingiyak na mga mata. Sa loob ng napakatagal na panahon, ngayon na lang ulit niya pinagmasdan ang imahe ng kaniyang guro. Sa labis na hiya niya sa kaniyang Guro, ni minsan ay hindi niya tinangka na alalahanin ang kaniyang mukha. Ngayon na lang muli kung kailan nasa harapan niya ang imahe nito na nakapako sa krus.

Ngayon na lang muli, aking Guro.

Sa gitna ng kaniyang pagtangis ay saka lang niya napanasin ang mga imahe na nakaguhit sa kisame ng kumbento. Larawan ng labindalawang lalaki. Bawat isa ay pamilyar kay Judas.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon