Vol. 5 Kapitel Forty Six: "Death Drill (Part II): Arena of Death"

1.3K 95 49
                                    

Kapitel Forty Six: "Death Drill (Part II): Arena of Death"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"Pasensya na, Haru! Pero sa ayaw mo't sa gusto, kailangan kitang tapusin!"

Dali-daling lumingin si Haru sa pinanggalingan ng tinig kung saan nakita niyang nakatindig ang isang hindi inaasahang kakilala...

"A-Allain?!"

Nagpakita ang binatilyong si Allain bitbit ang kaniyang higanteng susi, ang treasure niyang si Chronos.

"Handa ka na bang lumaban sa akin, Haru?!"

-----

"L--laban?!" napaatras si Haru sa kaniyang kinatatayuan. "S-seryoso?!"

"Oo naman!" Binuhat ni Allain ang kaniyang higanteng susi gamit ang dalawa niyang kamay at saka niya ito ibinaon sa lupa. Halatang halata na may kabigatan ang susi dahil sa lalim ng pagkakabaon nito sa lupa, bagay na nakapagbigay ng kaba sa litung-lito na si Haru na nasa alanganin na naman na sitwasyon.

"S-seryoso talaga siya?!" ito ang naitanong ni Haru sa kaniyang sarili. "Wala naman akong natatandaan na p'wedeng maging rason ni Allain para tapusin ako ah?! Anong dahilan at bakit gusto niya akong labanan!"

Napahawak siya ng mahigpit sa kaniyang suot na kuwintas, ang kaniyang treasure na si Graal na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi parin nagpaparamdam sa kaniya. "Paano ko naman siya lalabanan kung hindi gumagana ang kuwintas ko?!"

Isa 'yong dilemma na walang tiyak na kasagutan.

"Huwag na nating patagalin 'to, Haru!" umihip ang kakaibang hangin sa palibot ni Allain na nagmula sa Treasure nito na si Chronos. "Ako na tatapos sa misyon na ito!"

"A-ano? Misyon?"

Hindi malaman ni Haru ang kaniyang gagawin. Inumpisahan na kasi ni Allain ang pagsugod nito sa pamamagitan ng 'di mabilang na mga pinto na bigla na lang umahon mula sa lupa at pumuno sa buong arena. Bawat pinto ay may taas na hindi lalagpas sa anim na talampakan at may disensyo na maihahalintulad mo sa mga antigong pinto. Gawa ang mga pinto sa matingkad na pulang kahoy, at ang mga palamuti at disensyo naman ay animo'y inukit ng isang propesyunal na artisano.

"T-teka lang muna sandali!!!" awat ni Haru sa kalaban niyang si Allain na anumang sandali ay handa nang umatake ng direkta sa kaniya. "H-hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kitang labanan! At saka...anong misyon ang sinasabi mo kanina?! Hindi ko maintindihan!"

Pero hindi pinakinggan ni Allain ang mga sinabi ni Haru. Sa halip, umatake na agad ang binatilyo sa pamamagitan ng kaniyang 'di mabilang na mga pinto.

"Gates----OPEN!"

Matapos sambitin ni Allain ang mga salita ay sabay-sabay na nagbukas ang mga pinto at lumabas mula sa loob ng mga iyon ang 'di mabilang sa dami na mga kadena na aakalain mong may mga sariling buhay. Sa dulo ng mga kadena ay may bakal na arko na kahalintulad ng hugis ng isang naka-arkong buwan, na sa sobrang talim ay kayang kaya na humiwa ng buhangin sa lupa.

"Lagot!" halos matapilok si Haru sa pagtatangka niya na makalayo sa mga kadena. Pilit niyang iniwasan na tumama sa kaniya ang mga bakal na arko dahil siguradong iyon na ang magiging katapusan niya. Gustuhin man niya na lumaban subalit hindi siya makaisip ng magandang pagsugod dahil sa sunud-sunod na pag-atake sa kaniya. Nakakaramdam narin siya ng pagod na marahil ay resulta ng naunang laban niya sa unang bahagi ng pagsasanay.

"Masama ito..." ang sabi ni Haru sa kaniyang sarili. Mahigpit ang naging pagkapit niya sa kaniyang kuwintas sa pag-asa na tutugon ito sa panganib na kinakaharap nila. Subalit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala parin ni katiting na pagpaparamdam ang treasure niyang si Graal na para bang tuluyan na siya nitong inabanduna.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon