CHAPTER 1

10.8K 221 17
                                    


"When will you know if the person is good or bad for you?"

xxxxxxxx

Pam's POV

"Tangnang buhay to!" Naiinis na sinabi ko habang naglalakad ako mag-isa "Syet! Packing tape! Ugh"

Naupo ako sa sahig dito sa loob ng ocean park. Wala akong pakielam kung maraming tao na tumitingin sakin kapag dumadaan sila.

E ano bang pakielam nila? Nangangalay na ko e. Tss.

Saka badtrip ako! Bwisit kasi inindian ako ng kadate ko. Tangna niya! Ugh!

Nilabas ko ang phone ko at nakareceive ako ng text message.

From Ian:

Sorry, something came up.

Yun lang? Leshe sya! Sorry-hin niya mukha niya! Psh! Kaya ako ganito e. Bakit ba kasi pumayag pa ko sa dare ni Yanna. Bwisit!

"Hahaha. Pre, sigurado ako na kapag nakita ka ni Pam dito sasapukin ka nun. Mukhang maton e!"

"Alam ko yun kaya nga hindi na ko nagpakita e, pre, nakita mo yung porma? Tapos kung kumilos mas lalaki pa sakin"

Ayan. Ayan lang naman yung narinig ko kaya hinanap agad ng mata ko kung sino yun.

Sya yun! Siya yung kadate ko dapat kaso hindi ako sinipot!

Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang gallery, chineck ko kung kamukha niya yung nasa picture pero syet! Kamukha nga!

At bakit siya nandito? Ibig sabihin nakita na niya ko pero ayaw niya akong kadate? LOL!

Tumayo na ako, papalapit na kasi sila. naglakad ako palayo sa kanila.

Maton pala at mas lalaki pa sa kanya? Pwes makikita niya.

Hindi ata uso sakin ang magpatalo. Ako pang hinamon niya!

Naghanap ako ng bilihan ng damit yung sexy! At nagpalit agad ako sa cr.

Hinubad ko ang over sized shirt ko, at sinuot ang sleeveless blouse na v-neck. Medyo nakikita pa yung cleavage ko. Yuck! Hindi talaga ako magsusuot ng ganito e, nangangati ako pero dahil natapakan ang pride gagawin ko to!

Bumili din ako ng shorts. As in short shorts. Makinis naman ang legs ko hindi ko lang pinapakita sa iba!

Tinago ko yung cap ko tapos nagsuklay ako.

Make up? No. I dont have any. Pwede na to. Maganda naman ako kahit hindi magmake up.

Lumabas ako ng cr.

Medyo naiilang ako sa suot ko pero titiisin ko to for my pride's sake!

Nilibot ko ang ocean park at hinanap ang bwisit na Ian na yun!

At ayun, napagod ako kaya mamaya na lang, umupo muna ko sa may bench.

"Hi miss" napalingon ako sa nagsalita.

Gustong gusto kong sapukin na lang sana to pero pinigilan ko ang sarili ko at ngumiti.

Ang bait ng tadhana sakin. Akalain mong siya pa pala ang lalapit sakin.

Good To YouWhere stories live. Discover now