CHAPTER 55

1.3K 71 21
                                    

Tahimik lang kami sa pagkain maliban kay Raven at Yanna na panay ang tukso samin ni LWB pagkabalik nila Cone sa table namin. Parang kahapon lang, pinipilit nilang in love sakin yung apang yun. Tss.

"I thought Yanna hates me?" bulong ni LWB na mukhang tuwang tuwa sa nagaganap.

Napailing na lang ako at hindi siya pinansin. Mas interesado ako sa pagkain kesa sa kanila.

"Oy, Trystan. Baka matunaw si Ashley" biglang sabi ni Raven sabay tawa ng malakas.

Napatingin ako kay Cone at nakita kong sinasamaan niya ng tingin si Raven tapos binalik ang tingin kay Ashley habang inaabot ang tubig na akala mo walang kamay si Ashley para hindi maabot yung baso ng tubig.

"What do you want for dinner later?"

Kunot noo akong napalingon ako kay LWB ng bigla siyang magsalita. Natigil din sa pagtawa si Raven at napatingin kay LWB.

"Dinner na agad yang nasa isip mo? Hindi pa nga tayo tapos magtanghalian" sagot ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

Tumawa siya sabay nilapit ang bibig sa tainga ko. "I don't want to disappoint our family" bulong niya.

Family my ass. Feelingero talaga to.

"Hoy ano yan?" tanong ni Yanna na may kasama pang pagsiko. Kingina.

Inirapan ko si Yanna saka bumaling ulit kay LWB. "Bahala ka, basta masarap" sagot ko saka tumayo na.

Hindi na 'ko nag-abalang magpaalam. Wala ako sa mood. Kingina, kailan kaya ako hindi magiging wala sa mood kung palagi nila akong kinukulit? Tss. Nakakamiss din yung pakiramdam na wala kang iniisip. Hays.

"You're done?" habol ni Yanna.

Napatingin ako sa tray niya na hindi masyadong nagalaw at napakunot ang noo. Mukhang hindi naman talaga siya apektado kina Ashley at nagkukunwari lang para mang-inis lang kay LWB, dahil kung totoo yun, hindi siya tatayo hangga't hindi niya nauubos ang pagkain niya. At hindi ganyan yung itsura niya na pangiti ngiti pa. Hindi niya ko maloloko.

"Wala kang gana?" tanong ko.

"I lost my appetite"

Pinanliitan ko siya ng mata "Bakit? Bago yan a?"

Inirapan niya ko "Duh. How can I eat properly when there's a PDA going on in front of me?"

"PDA?"

"Hindi mo nakita?" tanong niya na parang hindi makapaniwala.

"Anong hindi ko nakita?" maang ko, kahit alam ko naman kung anong tinutukoy niya. Hindi ako bulag. Psh.

"Yung sweetness ni Trystan kay Ashley? Duh! Halos himatayin na si Ashley sa kilig. I almost throw my spoon at her" naiinis na sabi ni Yanna.

Alam ko.

"Pamela!"

"Oh, you're stepbrother" sabi ni Yanna habang nakatingin sa likuran.

Napailing at napabuntong- hininga ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila sabay sabay nawawala at bumabalik. Kingina. Pinatikim lang ako ng sandaling katahimikan sa buhay. Hindi ko man lang nasulit.

"Hatid na kita sa classroom niyo" sabi ni LWB na nakaabot na samin.

Hindi pa rin ako umimik hanggang sa makarating kami sa classroom. Bored kong tiningnan si LWB ng mapansin kong hindi pa rin siya umaalis ng makaupo na ako sa upuan ko.

"Bat nandito ka pa?" tanong ko.

Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo na nagpabigla sakin. "See you later, baby" bulong nito saka tumakbo palabas ng classroom.

Good To YouWhere stories live. Discover now