CHAPTER 41

1.7K 70 8
                                    


"Hi!" ngiting ngiti na bati ni Ashley paglapit ko.

Hindi ko ginantihan ang bati niya at sinamaan ko lang siya ng tingin. Ayokong makipagplastikan. Ano bang mapapala ko kung paplastikin ko siya? Kalokohan.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

Hindi niya inaalis ang ngiti niya at tumayo siya ng maayos  "Well, im here to apologize sa nasabi ko sayo nung first meeting natin. Im sorry" sabi niya.

Nilahad ni Ashley ang kamay niya habang nakangiti pa rin. "Friends?" tanong pa nito.

Mas lalong kumunot ang noo ko habang naka tingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakain nito at biglang gustong makipagkaibigan. Tsk. As if makikipagkaibigan ako? Tama na si Yanna saka yung tatlong asungot na manggulo sa buhay ko, hindi ko na kailangan ng dagdag.

"Anong kailangan mo sakin?" tanong ko ulit.

"Nasabi ko na.. I was sorry--"

Hindi ko na siya pinatapos. "Edi tinatanggap ko na ang sorry mo yun lang" sabi ko at sumakay na sa bike ko saka binuhay ang makina.

"But I want to be friends with you!" sabi niya.

Nilingon ko siya habang sinusuot ko ang helmet. "Bakit?"

"What?"

"Bakit gusto mo kong maging kaibigan?" tanong ko.

"I like you. You're cool and.."

"And what?"

"Uhm, close with Trystan"

Tumaas ang kilay ko. Sinasabi ko na e. May binabalak talaga siya. Tsk. Bakit kaya may mga katulad niya na pinipilit ang sarili sa mga taong ayaw naman sa kanila. Masyado nilang binababa ang sarili nila. Tsk.

"Sinabi ko na sayo to na wag mo akong idamay sa inyo. At sasabihin ko sayong nagaaksaya ka lang ng oras sakin dahil hindi naman kami close" sabi ko saka pinaandar na ang bike ko at iniwan siya.

*

Seryoso ako sa pagreresearch ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Tangina" bulong ko saka ko nilingon kung sino yun. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Cone sa pintuan.

"Do you want me to forgive you?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

Ngumisi siya, yung nakakaasar na ngising aso niya sabay lapit sakin at hinila ako palabas ng kwarto ko. Kingina. Mas gugustuhin ko pang wag na niya kong mapatawad kesa ganitong nanggugulo siya.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang hinihila ko ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang kapit niya sakin. "Ano ba?!" naiinis na singhal ko.

Binitawan niya lang ako nung makarating kami sa kusina.

"Cook for me" sabi niya saka humalukipkip at lumitaw na naman ang mapang-asar niyang ngising aso.

Tumaas ang mga kilay ko at nagcross arms din. "Bakit ko naman gagawin ang gusto mo?" tanong ko.

"Para mawala na yung galit ko sayo?"

"Mahalaga ba yun? Wala naman akong pakielam kung hindi mo na ko pansinin. Psh. Mas mahalaga ang research ko kesa dito" sabi ko at aalis na sana ng hawakan na naman niya ang braso ko.

"Hindi ka ba nagiguilty?" tanong niya bigla at naging seryoso.

Natigilan ako at napaiwas ng tingin. Kingina. Pinaalala pa. Syempre nagiguilty ako! May puso rin naman ako! Tsk! Napapikit na lang ako at napabuntong hininga saka nagdilat at tiningnan siya ng masama. "Anong ipapaluto mo?"

Good To YouWhere stories live. Discover now