CHAPTER 60

1.5K 93 21
                                    


R.I.P Heart.

Nag-aagaw buhay na rin pati lahat ng organs ko at ramdam kong konting kalabit na lang, susuko na yung utak ko.

Napasinghap ako nung maramdaman kong gumalaw yung labi niya at mas lalong nanlaki yung mga mata ko nung maramdaman ko yung dila niya. Tangina. Tangina!

Hindi ko mapigilang mapakapit ng mahigpit sa braso niya dahil sa kinginang halik na 'to. Syet lang. Hindi na 'ko makahinga pero hindi ko siya matulak tulak. Ayaw sumunod ng mga kamay ko! Parang may sariling isip!

"I freaking love you Pamela Reyes," sabi niya bago ako yakapin ng mahigpit. "Matagal na, if you only knew"

I gathered all my strength para itulak siya saka ako tumakbo pabalik sa kwarto ko at nilock yung pinto. Sumandal ako dito at napahawak sa dibdib ko habang hinihingal. "Tangina," sabi ko at napapikit ng mariin. 

Hindi ko pa napoproseso yung sinabi niya. Ayaw pang tanggapin ng utak ko. Mahal niya ko?

"Pam!" narinig kong sigaw sa kabilang pinto.

Nakagat ko yung labi ko ng mariin habang nakapikit pa rin. Ramdam ko pa rin yung labi at dila niya. Kingina. Kinikilabutan ako!

"Kikay!" sigaw ulit nito habang kumakatok ng malakas at pinipilit buksan yung pinto ng kwarto ko. "Pam let's talk! Please!" patuloy nito.

Paano ako makikipag-usap ng ganito?! Ano bang akala niya sakin? Manhid at walang epekto ang lecheng halik niya? Tangina niya. Nahigop niya yata lahat ng energy at cells ko sa katawan. Hindi na yata ako makakarecover. Tapos sinabi niya pang mahal niya 'ko!

"Pam.."

Mahal niya ko?! Syet na malagkit. Totoo ba?! Paano si Ashley? Ano yun  dalawa kaming mahal niya? Kingina. Baliw na talaga yata ako.

Huminga ako ng malalim bago nagdilat ng mga mata at humakbang papunta sa kama, ignoring his presence behind the damn door. Dumapa ako dun at sumubsob sa unan.

'I love you, Kikay',

'I freaking love you Pamela Reyes'

Shit Trystan Cone Perkins. Fvck you!

*

"Lumala ka," Yanna commented pagkasakay niya sa shotgun seat. "Yung totoo? What's happening with you ba?" tanong nito.

I sighed pagkastart ko ng sasakyan. "Di ba best friend kita?" tanong ko.

"Of course!" mabilis na sagot niya.

"Favor Yanna. Ngayon lang to, hindi na mauulit," sabi ko saka huminga ng malalim. Hindi ko inakalang gagawin ko 'to dahil sa pesteng feelings na nararamdaman ko para sa apang yon. 

"Really?" excited na tanong nito na parang nagningning pa yung mga mata. "That's new huh? You never ask a favor nor help to anyone. So, tungkol saan ba yan?"

"Ilayo mo sakin si Cone," sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

Wala na 'kong ibang maisip na ibang paraan kundi ito, at alam kong si Yanna lang yung makakatulong sakin since botong boto na naman siya kay Ashley. Tsk. Ayoko man isipin pero tangina lang talaga.

Hinding hindi ako magpapaloko sa malanding hampaslupang apa na yun. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa lecheng halik at I love you niya. Akala ba niya maniniwala ako sa sinabi niyang yun? Oo nung una, syempre ano, hindi naman ako manhid kaya nga nahulog ako e. Tsk. Pero sorry siya, hindi rin ako tanga na basta maniniwala lalo't yung mismong pinsan at bestfriend niya yung nagsasabing si Ashley ang mahal niya. 

Good To YouWhere stories live. Discover now