CHAPTER 7

3.5K 121 9
                                    

"Napapadalas ka ata dito?" tanong ko agad ng makita si LWB.

"Ganyan ka ba magwelcome ng bisita Pamela?" tanong niya habang nakangisi.

"Wala akong matandaan na inimbitahan kitang pumunta dito. Ibig sabihin hindi kita bisita"

Kapal ng mukha ng isang ito. Mas makapal pa sa mukha ng hampaslupang si Cone.

"Woah! You should be thankful na dinalaw kita" nagcross arms siya at naupo na sa sofa.

Kapalmuks.

"Wala akong sakit kaya makakaalis ka na" sabi ko saka ko siya tinalikuran at bumalik sa kusina para tignan ang niluluto ni Cone.

"It's done" sabi niya saka ako sapilitang inupo at hinainan ng niluto niya.

"Ano to? Pasta lang? Nasan ang sauce?" tanong ko.

"It's Vietnamese spaghetti. Tikman mo na lang at wag ka nang magreklamo" sabi niya saka naupo sa tapat ko at nagsimula ng kumain.

Hinalukay ko muna yung pasta pero bigo ako dahil wala akong makitang kahit ano maliban sa pasta. Nagdududa na talaga akong pasta lang to e. Tsk.

"Eat" utos niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako. Ngiting aso as usual.

Nagsimula na akong kumain, laking gulat ko na may lasa nga ang pasta at hindi lasang pasta lang. May sauce nga!

"Ano to ginamitan ng magic?" tanong ko pero umiling lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Tsk. Pag tinatanong ayaw sumagot, pag hindi kinakausap dada ng dada. Hambalusin ko kaya to?

"Ehem" may pekeng umubo sa bandang likod ko.

"Nandito ka pa din?" tanong ko kay LWB.

"Ganyan mo ba tratuhin ang bisita mo? Iniiwan na lang basta? How rude" nakangiwing sabi niya.

So? Anong gusto niya? Makishare siya sa kinakain ko? Patay gutom din pala to e.

"Edi kung nababastusan ka sakin, makakaalis ka na" matabang kong sabi saka pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Kain dude"

Sinamaan ko ng tingin si Cone.

Aba't ang walanghiya, inalok pang kumain!

"What?" tanong niya sakin nung makita niyang nakatingin ako ng masana sa kanya.

Hindi ko siya sinagot. Kinindatan niya ko at nagtaas na lang bigla ang balahibo ko. Yuck! Mukha siyang manyak sa kanto!

"Sure" singit naman ni LWB at basta na lang naupo sa tabi ko ng walang pahintulot ko.

"Sino may sabi sayong pwede kang umupo jan?" tanong ko.

"Kuya mo?" patanong na sagot niya.

"Yan? Yang lalaking yan kuya ko? Haha. Nagpapatawa ka ba?!"

Tsk. Sa dami dami nang pwedeng mapagkamalang kuya bakit ang isang apa ng icecream pa? Kinginang yan.

"Woah dude, sa gwapo kong to?" tinuro ni Cone ang sarili niya. "Ang layo naman ng itsura ko sa mukha niya?" tapos tinuro niya ko.

Ang walanghiya! Ang kapal talaga mukha. Ingudngod ko kaya to sa lababo?

"So? What are you?"

"Tao ako dude, lalaki, straight at may balls! Hahahaha" natatawang sabi ni Cone.

Pfffft! Napatawa naman ako bigla sa sinabi niya.

Nice. May silbi din pala ang makati niyang dila.

Good To YouWhere stories live. Discover now