CHAPTER 21

2.4K 82 5
                                    


"Nakakaiyak bestfriend" sabi ni Yanna.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ko siyang magmukmok sa mesa niya.

"I love you Pam! But i hate you as well!" sinamaan niya ko ng tingin. Tss.

"Wala akong gusto kay Raven. Sayong sayo na siya" sabi ko.

Hindi na siya nakapagsalita dahil dumating na ang prof namin.

Bangag si Yanna sa buong klase. Sinisipa ko siya kapag napapansin kong natutulala siya. Pero yung huling sipa ko masyadong napalakas at sinigawan ako ni Yanna kaya naman napalabas kami ng classroom.

"Worst day ever! Ugh!" ginulo ni Yanna ang buhok niya. Psh.

Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong nakasandal sa kotse ko. Kingina. Ang pinakamamahal kong kotse!

Binilisan ko ang lakad para makita agad kung sinong lapastangan ang sumasandal sa pinakamamahal kong kotse!

"Hi" tumuwid siya ng tayo nang makita ako.

Bumuntong hininga ako at sinamaan siya ng tingin. Pasalamat siya nakaalis agad siya sa pagkakasandal sa kotse ko kung hindi baka maging kamukha niya ang mga panget na pandang pinamumudmod niya! Ha!

"Ano to?" naiinis na tanong ko nung biglang ilagay ni Raven sa kamay ko ang paper bag.

Nginitian niya ko at tumingin sa may likuran ko bago nagsalita.

"That would be the last, but you'll still see me walking around" yun lang ang sinabi niya bago siya umalis.

Nagulahan ako sa sinabi niya kaya naman pinagmasdan ko ang pagalis niya at naputol lang nung may umagaw ng paper bag sa kamay ko.

"This is really the worst day ever! One gift a day lang di ba? Bakit may pahabol pa?" nagdadabog na tanong niya bago walang sabi sabing sumakay sa kotse ko.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing bago sumakay sa kotse ko at nagdrive.

"Alam kong masasaktan lang ako pag tinignan ko ang laman nitong paper bag pero curiosity kills!" sigaw niya bago halungkatin ang laman ng paper bag.

Wala naman akong pakielam sa laman nun, kung gusto niya sa kanya na lang. Sigurado namang mukha ng panda lang ang laman nun. Tss. Umay na umay na ko sa panda. =_=

Sumulyap ako saglit kay Yanna, bigla kasi siyang natahimik. Tinigil ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila. Pinagmasdan ko siyang bumaba ng kotse, nakakapanibago kasi wala man lang siyang sinabi bago umalis. Napatingin ako sa paper bag na iniwan niya sa passenger's seat. Ano kayang laman nito at natahimik si Yanna?

Mabilis akong nagmaneho pauwi at kinuha ang paper bag bago pumasok sa loob ng bahay.

Tinignan ko agad ang laman ng paper bag pagkapasok ko sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang malaking garapon na puno ng papel na mukha ng panda na iba iba ang kulay. Tatawagin ko na sana si Papa para ipatapon ang garapon ng mapansin ko ang sulat sa gilid nito.

'Take one panda once a day'

Napataas ang kilay ko sa nakasulat. Anong ibig sabihin nun? Tsk.

Binuksan ko ang garapon at kumuha ako ng isang mukha ng panda na kulay blue at napakunot ang noo ko sa nakasulat.

'Smile.. please?'

Napailing na lang ako. Pinatong ko ang garapon sa side table. Nakucurious ako sa lahat ng nakasulat sa mga mukha ng panda kaya hindi ko muna ipapatapon, saka na lang, pag nabasa ko na lahat.

Good To YouWhere stories live. Discover now