CHAPTER 52

1.3K 54 9
                                    

"Good morning best friend!" malakas na sigaw ni Yanna pagkabukas ng pinto ng kwarto ko.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin habang nagsusuklay ako ng buhok. "Ang aga mo" puna ko.

Kitang kita ko ang ngiti niya sa reflection ng salamin. Mukhang maganda ang mood niya so, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko. Kilala ko na yan e.

"I have a date later" nakangising sabi nito na parang iniinggit ako.

Asa naman.

Kumunot ang noo ko habang tinititigan siya. "E, ano naman? Kailangan ko pa bang malaman yan?"

She rolled her eyes, yung wagas. Kingina, ako yata yung sumakit yung mata sa ginawa niya. Tsk!

"Of course, you should! Dahil kasama ka sa date ko." sabi nito habang nakapamaywang at nakataas na ang kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin "Bakit ako sasama? Ayoko" sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagsusuklay ng buhok.

Ang haba na ng buhok ko, ang hirap ng suklayin. Kingina. Dapat pati buhok, hindi na kasama sa problema, kailangan ko na 'tong pagupitan.

"You have no choice Pam. Nagpaalam na 'ko kay Tito and Dad won't let me have that date without you as my chaperone" sabi nito at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama ko.

"Ayoko. Maghanap ka na lang ng ibang chaperone" walang ganang sagot ko.

"You know na sa'yo lang may tiwala si Dad Pam!"

Bored ko siyang tiningnan sa salamin at umiling. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na bago pa siya makapagsabi ng bagong excuse.

"May pinsan ka"

"Busy yun!" sagot agad nito.

Kumunot ang noo ko. Ilan ba ang pinsan niya?

"He's always with that Ashley" sabi nito habang umiirap na parang alam ko kung sinong tinutukoy niya. Pero may idea na 'ko.

"Sino?" tanong ko.

Suminghap siya at pinandilatan ako ng mga mata. "Who else?" tanong nito na parang ang slow ko. Kingina lang. Naniniguro lang naman, slow agad?

"Isa lang ba pinsan mo?" naiinis nang tanong ko.

Umiling siya saka sumimangot. "Four. But duh? Yung dalawang pinsan ko are always busy rin like Trystan then yung isa of course hindi naman pwede, Troy is so young! Pam please?" 

Hindi pa siya nakuntento at lumapit pa talaga sakin para yugyugin ako habang nagmamakaawa. Kingina. Ganito ba magmakaawa?!

"Syet Yanna! Nahihilo ako!" Inis na sabi ko.

"Please na kasi. Gusto mo pa bang si Raven ulit ang pumunta dito para magpaalam kay Tito?" Taas ang kilay na tanong nito saka ngumisi "I won't mind of he lied again and tell Tito to ask you for a date"

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang bruha tumawa lang. Alam niyang gustong gusto ni Papa yun! Hindi ko rin maintindihan yun e. Tsk.

"Or.. Baka gusto mo si Trystan na lang. Don't you miss him? Ilang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sayo a?"

"Wala akong pakialam sa apang yun"

"O..kay"

Napailing na lang ako. Nonsense. Lumabas na 'ko ng kwarto saka dumaretso sa dinning para kumain. Nadatnan ko si Papa na may kausap sa cellphone pero binaba agad ng makita ako.

"Pam, anak.. Kain na. Ikaw din Yanna"

Naupo na agad ako at hindi ko na pinansin si Yanna. Tahimik lang akong kumain hanggang nagsalita si Papa.

Good To YouWhere stories live. Discover now