CHAPTER 2

6.4K 180 1
                                    

Naglalakad ako ng makita ko si Yanna.

"Pam! Kamusta date?"

"Tsk! O!"

Inabot ko sa kanya yung iphone ng LWB na yun. Acronym na lang masyado akong tamad para banggitin ng buo ang lalaking walang balls.

"Bayad. Ikaw na lang magbenta kung gusto mo ng pera."

"Ha? You mean, hindi ka sinipot ni Ian?"

"Obvious naman di ba?"

"Sungit! Kanino namang iphone to? Sayo? Bakit? Naubos mo na ba yung allowance mo?"

"Ano ko bale? Bat ko naman ibibigay iphone ko sayo? Dun yan sa Ian na yun!"

She gasped exaggeratedly.

"No way!"

"Yes way"

"How come? Di ba hindi ka niya sinipot?" sinamaan niya ako ng tingin.

At dahil matagal na kaming magkaibigan memorized ko na ang takbo ng utak niya.

"Kung iniisip mo na nagsisinungaling ako, sinasayang mo lang ang pagfunction ng utak mo. Tsk"

"E, kung mali nga ang iniisip ko, ibig sabihin nagkita kayo at hindi ka talo sa pustahan!"

"Fair akong tao Yanna alam mo yan."

She gasped again more exaggeratedly.

"Ibig sabihin--"

Hindi ko na siya pinatapos.

"Oo, sumipot siya pero hindi siya nagpakita sakin. Pero ang tanga niya kasi nagpahuli siya" kalmado kong sinabi.

Ayokong ipakita na naggalit ako. Sobrang stupid magalit para sa walang kwentang tao. Such a waste of time.

Pero lintik. Hindi ko maiwasan hindi magalit. Ikaw ba naman sabihang maton? At pamukhaing tanga sa paghihintay! Nako! Wag lang magpakita ulit yung LWB na yun baka ma headbutt ko pa siya!

"Ge" paalam ko kay Yanna.

"Wait!" hindi ko na siya pinansin at umalis na ko.

Pinuntahan ko lang siya sa bahay niya para ibigay ang bayad ko. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

Naglakad lakad lang ako, ayoko pang umuwi wala din naman gagawin sa bahay.

Nakarating ako sa playground. 1pm palang kaya wala pang tao sa playground kasi tirik pa ang araw.

Naghanap ako ng sisilungan. Naupo ako sa ilalim ng puno kasi doon lang may lilim.

Pero hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa pagupo may lapastangan na agad na nakatayo sa harap ko.

Pagtingala ko, nakita ko si LWB.

"Kapag hindi talaga hinahanap bigla mo na lang makikita. Give me back my phone" nilahad niya ang kamay niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala na sakin. Kung gusto mo, kunin mo dun sa kapustahan ko" sabi ko na cool na cool.

"What the hell?! Are you that poor?"

Sinamaan ko siya ng tingin tapos tumayo na ko.

Sabi nga, intelligent people ignore criticism kaya hindi ko na siya pinansin at nagsimula na kong maglakad.

Pero may lahi siyang aso. Sinundan niya ko. Binilisan ko ang paglalakad ko pero binilisan niya din ang paglalakad niya.

Short tempered ako kaya tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya.

Good To YouWhere stories live. Discover now