CHAPTER 3

4.8K 149 9
                                    

Tinaasan ko siya ng kilay.

"E ano na man sayo?" sabi ko.

Umiling iling siya pero nakangiti.

"Akala ko hindi na kita makikita. Destiny to!"

The eff!

"Destiny mo mukha mo! Lumayas ka na nga dito"

"Ayoko nga, di pa nga ako tapos kumain papalayasin mo na ko?"

"Anak naman ng! Ang alam ko makikitawag ka lang, kung alam ko lang na patay gutom ka, sana sinagasaan na lang kita!" Bwisit!

Ngumisi siya. "But you didn't"

Sinamaan ko siya ng tingin. Lintek naman o.

Bigla akong kinilabutan sa ngisi niya kaya naman tinalikuran ko na siya at sumalampak nalang sa sofa at nanood ng phineas and ferbs.

"Wow! Phineas and ferbs!"

Sinamaan ko siya ng tingin nung umupo siya sa tabi ko at may hawak na piatos.

"Sinong may sabi sayong pwede mong kunin yan?"

"Wala. Ang dami kasi kaya akala ko okay lang kung kukuha akong isa" painosenteng sagot niya.

Inagaw ko sa kanya yung piatos at binuksan ko tapos kinain ko.

"Oy, penge!"

"Patay gutom!"

"Penge na kasi"

"Bumili ka"

"Nasa holdupper yung pera ko"

"Sinabi mo e"

"Totoo! Bakit ayaw mong maniwala?"

"Wala akong pake sayo! Manahinik ka nga kung ayaw mong itapon kita sa labas"

"Tss"

"Anong tini-tss tss mo dyan?!"

"Wala. Ge lang manood ka na. Tatahimik na lang ako dito"

Ilang saglit na tahimik nga lang siya at nakapanood ako ng maayos pero ilang saglit lang yun.

"Oy, miss men-who-doesn't-have-balls"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah. Easy, may itatanong lang ako sayo"

"Hindi pwede"

"Pati ba naman pagtatanong pinagdadamot mo pa?"

"Madamot akong tao, ngayong alam mo na, pwede manahimik ka?"

"Fine. Tss. Suplada"

"Anong sabi mo?"

Umiling lang siya tapos tinapat niya yung kamay niya sa bibig niya at ziniper.

Nakatulog ako.

Ganito talaga ako. Antukin. Hindi naman kasi talaga ako mahilig manood ng tv.

Pagdilat ko, ako na lang mag-isa at patay na yung tv.

"Manang, nasan yung lalaki?"

"Umalis na, sinundo na ni Yanna"

"Si Yanna ho?" nagtatakang tanong ko.

"Oo, magpinsan pala yung dalawa"

Akalain mo yun? May pinsan pala si Yanna. Ayts.

Pumunta ako sa kusina. Gabi na pala. Kakain palang ako ng saktong dumating si Papa.

"Baby, may pasalubong ako sayo" sabi ni Papa pagkalapit sakin.

"Ano yan Pa?" tanong ko habang nakatitig sa dala niya.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon