CHAPTER 51

1.3K 70 25
                                    


Pinarada ko ang motor ko sa tapat ng bahay. Bukas ang ilaw, ibig sabihin nandito siya. Pinindot ko ang doorbell ng maraming beses at naghintay ako ng matagal bago napagdesisyunan ng tao sa loob na pagbuksan ako.

"Pamela?" gulat na sabi ni Ian.

Hindi na ko nagsalita at tinulak ko nalang yung gate para makapasok ako. Tuluy tuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako sa kwarto kung nasaan ang mga portrait na gawa niya.

"Pamela, wait!" pigil niya nung nilapitan ko yung nakatalikod na canvass. "Teka--"

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang painting ni Stella.

"Pam.."

Tumingala ako para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko at lalong sumasakit ang dibdib ko. Tangina kasi.

Tumitig ako sa portrait "Anong gusto mong mangyari?"

Wala akong nakuhang sagot. Katahimikan ang namagitan sa buong paligid.

"Anong kasalanan ko sayo?" tanong ko ulit saka ko nilipat ang tingin sa kanya.

Nakayuko siya habang umiiling. "Im sorry"

"Tanginang sorry yan"

Hindi ko na hinintay ang paliwanag niya o kung ano man ang sasabihin niya. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Narinig kong tinawag niya ulit ako pero nagtuluy tuloy lang ako hanggang sa makasakay ako ng motor at mabilis itong pinaandar. Sa bilis ng takbo ng motor ko, hindi ko namalayan ang kotse nakasunod pala sakin. Narinig ko na lang ang sunud sunod na busina nito sa likuran ko pero hindi ko na lang pinansin at mas binilisan pa ang takbo ng motor ko.

Akala ko maiiwanan ko na yung pulang kotse pero mas pinabilis pa nito ang paandar hanggang sa mapantayan ang takbo ko.

Tsk!

Tumigil ako sa may gilid ng tulay kasabay ng pagtigil din ng pulang kotse sa gilid ko. Galit akong bumaba ng motor at hinampas ang bintana ng sasakyan nito. Hindi ko na sana to papansinin pero napuno ako nang hindi siya tumigil kakabuntot sa akin. Naikot ko na halos ang buong subdivision pero hindi pa rin siya mawala sa likuran ko.

"Bakit mo ko sinusundan?" malamig na tanong ko.

Hindi ko maaninag ang tao sa loob. Kaunti lang kasi ang awang ng bintana, sapat lang para marinig kung ano man ang sasabihin ko.

"Hindi ka ba bababa dyan?" naiinip na tanong ko.

Nanliit ang mga mata ko nang makilala ko ang driver. Napailing na lang ako at akmang sasakay na ulit sa motor ko ng hawakan niya ang braso ko para pigilan.

"Ano?"

"Tss"

Umiling siya at saka bigla akong hinila para yakapin. Nagulat ako pero hindi dahilan yun para hindi ako magpumiglas sa yakap niya.

"I missed you" bulong ni Cone habang mas humigpit pa ang yakap niya.

Napahinto ako sa pagyulak sa kanya dahil sa narinig ko. Para akong biglang kinilabutan sa sinabi niya! Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at parang nahawa din ang puso ko dito.

"Pinagsasabi mo?" tanong ko at ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya.

Natigilan ulit ako nang makita ko ang itsura niya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa bilis ng pagpintig nito dahil sa nakallusaq na tingin niya, na parang may gusto siyang isigaw sa harap ko.

Hindi niya inalis ang titig sakin hanggang sa magkalapit ulit kami. Nakapikit siyang tumingala na parang may bagay na nagpapahirap sa kanya. Ginulo niya ang buhok niya ng ibalik niya ulit ang tingin sakin saka tumalikod at bumuntong hininga.

"Please drive slowly. Susundan kita hanggang sa makauwi ka" sabi nito habang naglalakad pabalik sa kotse niya.

"Kaya kong umuwi mag-isa"

Marahas siyang lumingon at seryosong tumingin sakin. "Don't be too hardheaded Pamela"

Nagulat ako sa reaksyon niya. Simula kasi ng malaman ko na siya talaga yung panget na mascot na panda, parang nag-iba na siya. Hindi ko lang alam kung saan ako maninibago. Sa pagiging seryoso niya o sa pagtawag niya sakin sa totoong pangalan ko.

Napailing ako. Bakit sabay sabay dumarating ang problema? Tsk.

Sumakay ako sa motor ko at bumusina para ipaalam na aalis na 'ko. Naglapat ng buong diin ang labi ko ng makita kong sumunod na naman siya. Wala talagang magawa sa buhay.

Umuwi ako. Naabutan ko si Papang nakaupo sa sala at nakayuko. Nag-angat siya ng tingin nung makalapit na ako sa kanya.

"Pa"

"Anak" tumayo siya at niyakap ako. "Im sorry.."

Hindi ako gumalaw. Hindi ko alam kung anong irereact ko. I was hurt but despite everything that he had done, siya pa rin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at ayokong makita siyang malungkot dahil sa kagagawan ko.

"Pinauwi ko na si Stella" sabi niya kaya napaantras ako dahilan para kumalas ang pagkakayakap niya sakin.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko.

Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Mukha siyang pagod na pagod. Parang sobrang sakit makita sa kanya na nasasaktan siya. Mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko. Hindi ko gusto to.

Malungkot siyang ngumiti sakin. "I want you to be happy, baby" sagot niya "Pasensya ka na kung nasaktan kita nung tinago ko sayo ang tungkol kay Stella. I thought you're too young to understand back then, but I never thought how'd you feel when I've decided to hide it"

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Ang hirap pala. Mas masakit pala ang pakiramdam kapag alam mong ikaw ang dahilan kung bakit may isang taong nasasaktan.

"Si Ian.." He trailed. Huminga muna siya ng malalim bago tumitig ulit sakin "He said he loves you, nakiusap siya kay Stella na kung nagsisisi talaga siya, she has to give way and call the wedding off"

Napailing ako nung maalala ko na naman yung sinabi ng lalaking iyon kanina. Unti unti akong nalilinawan. Against siya sa kasal kaya ako ang pinagdiskitahan niya. Nakakatangina lang. Naikuyom ko ang mga palad ko at namumbalik ang galit na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Wala akong gusto kay Ian" pagklaro ko.

Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At anong ibig niyang sabihin sa give way? Kingina. Kahit hindi ikasal si Papa sa Mama niya, wala pa ring mangyayari at walang saysay ang pagpaparaya dahil hindi ko naman siya gusto. Wag siyang asumero! Siraulo siya!

Hindi nagsalita si Papa. Nakatitig lang siya sakin na parang pinoproseso pa ng utak niya ang sinabi ko.

"Hindi mo mahal si Ian?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Mariin na nagdugsong ang mga kilay ko. "Saan mo napulot yan Papa? Hindi ko nga siya gusto, mahal pa kaya?" naiinis na sagot ko.

Hindi na ulit siya umimik kaya nagpaalam na ko at tinalikuran siya. Pagod na ko at ayoko ng pag-usapan ang tungkol dito. Nakakadagdag lang ng galit.

Bago ako humakbang paakyat sa hagdan, nilingon ko ulit si Papa.

"Wag mo siyang hiwalayan. Wala akong sinabing hindi ko siya gusto para sayo. Nagtatampo lang ako" sabi ko saka mabilis akong umakyat at pumasok sa kwarto ko.

****

A/N:

Sorry for the long wait! Ano? Team Conella parin ba kayo? O si Ashley na ang gusto niyo for our Apa? 😏

Good To YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora