CHAPTER 53

1.2K 57 4
                                    

"Oh my gosh!" Yanna hissed.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at niyaya na silang pumasok sa loob ng sinehan. Hindi ko maintindihan ang tindi ng disappointment ko. Bakit ganito?

"This is the reason, why I've changed my mind. I saw them buying tickets" narinig kong sabi ni Yanna habang nakasunod sakin.

Hindi na 'ko umimik. Hinanap ko na lang yung naka-assign na upuan na pinili ni Raven. Sa pinakataas. Napailing ako. Papahirapan pa kaming umakyat. Tsk.

"I'd like the spot more over there. Bakit dito pa?" reklamo ni Yanna habang tinuturo yung first row na dinaanan namin.

"Mas convenient" sagot naman ni Raven na nakangisi.

"Anong ikinaconvenient nito? Mas lalo akong nagutom sa pag-akyat" sabad ko habanh umiiling.

Naupo kami sa pinakadulo sa taas, pinaggitnaan namin si Yanna na panay ang reklamo. Nakakarindi. Hindi siya tumitigil kahit anong saway ko tapos si Raven naman walang kwenta, under yata kay Yanna kaya hindi masaway. Tsk! Sabagay mabuti na din yun. Dapat naman talaga babae ang may upper hand sa relasyon. Lintik. Bakit ko ba iniisip to?

"Gutom na gutom?" sita bigla ni Yanna nung isubo ko yung huling kagat ng sandwich. "It didn't last a minute! Pam, start acting like a lady" naiiling na dagdag pa nito.

Hindi ko siya pinansin. Ayoko ng sinasabihan ako ng dapat kong gawin. Ayokong magpakaplastik. Kung ayaw nila sakin dahil ganito ako kumilo, problema na nila yun!

Tumahimik lang si Yanna ning magsimula ang movir. Wala akong ideya dito sa papanoorin namin, basta na lang naman kasi nagturo si Yanna ng gusto niyang panoorin. Tsk. Kung hindi lang dahil sa pagkain, baka lumabas na ko at umuwi. Wala kasi ako sa mood. Sinasabi ko na nga ba't pagsisisihan ko talaga tong pagsama ko dito. Bwisit.

"I can't move on" bulong ng katabi ko.

Napalingon ako kay Yanna at napakunot ang noo ko. Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang hindi pagpansin sa mga sinasabi niya. Saan naman kasi siya hindi makamove on? Sa kilos ko, sa movie na walang kasense sense o kay Cone at Ashley? Psh.

Naalala ko tuloy kung bakit kaya ako nakaramdam ng disappointment nung nakita ko sila. Tss. E, ano naman kasi sakin kung magkaholding hands sila? Tsk. Bakit ba ako nababagabag? Nahahawa na yata ako kay Yanna. Kinginang yan.

"Ano? Kakain na ba tayo? Iiwan ko na talaga kayo dito kapag sinabi niyong hindi pa" sabi ko ng makalabas kami ng sinehan. Wala naman kwenta yung movie, sana pinangkain na lang namin yung pinambili ni Raven ng ticket, hindi sana nasayang ang pera niya, busog pa kami.

"Don't worry Pam. Kakain na tayo. Hindi din naman pwedeng gabihin si Yanna" sagot ni Raven sabay hila kay Yanna papasok sa restaurant na kakainan sana namin kanina.

Salubong ang kilay kong sumunod sa kanila at dahil sa inis ko, marami akong inorder kahit alam kong magdidiner pa 'ko mamaya pag uwi ko sa bahay. Timing lang din dahil ayokong magtagal sa dinning table namin kasama si Ian. Mabuti na yung busog na ko para makaalis agad ako at makapagkulong na lang sa kwarto ko.

"Bibitayin ka na ba bukas?" nakasimangot na tanong ni Raven habang nilalapag ng waiter yung order namin. "Okay lang sana kung patay na patay pa rin sayo si Trystan e, im sure he'll pay me for all your expenses, pero hindi na e. He's not even asking about you, like he always did before. Mabubutas ang bulsa ko sayo hindi ko pa man napapasagot si Yanna!"

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon