CHAPTER 57

1.2K 56 6
                                    

Hindi to pwede! Hindi ko to matatanggap! Ayoko! May internal battle pang nangyayari sa utak ko ng maramdaman kong hinihila niya yung braso ko patayo.

"Maligo ka ulit at siguraduhin mong nakuskos mong mabuti yang noo mo Kikay. Wag mo ring kalimutang i-lock yung pinto ng kwarto mo" habilin nito saka bumalik sa kusina.

Wala ako sa sariling naglakad paakyat at papasok sa kwarto ko. Tuloy tuloy lang ako sa CR at hindi na nag-abalang kumuha ng pamalit. Binuksan ko agad yung shower habang pinupuno ko yung bathtub ng tubig. Magbababad ako. Tangina. Kailangan kong mahimasmasan. Pakiramdam ko nakulam ako. Bumalik na naman yung naisip ko sa baba. Tangina talaga, hindi yun totoo! Ugh! Baka nababaliw lang ako o may sakit sa puso kaya palaging bumibilis yung tibok ng puso ko, hindi yun dahil may gusto ako sa kanya. Imposible!

I groaned and ruffled my hair. Lumubog pa ako ng kaunti sa bathtub hanggang sa chin ko. Ramdam ko yung unti unting pagrelax ng katawan ko, hindi na rin mabilis yung tibok ng puso ko at normal na yung pakiramdam ko. See? Baka stress lang yun! Sobrang weird kasi nung kanina. Kingina. Natakot ako dun! Sa susunod na maramdaman ko ulit yun, magpapacheck up na talaga 'ko!

"Syet!" napasigaw ako ng marealized kong hindi ako nakakuha ng pamalit sa closet. Hindi pa naman ako sanay ng lumalabas ng banyo na nakatapis lang, naiilang ako kahit wala namang tao. Pakiramdam ko kasi may naninilip sakin.

Nailing ako at napabuntong hininga. No choice kaya lumabas na ko pagkabalot ko ng towel sa katawan ko. Nagsuot agad ako ng bra at panty saka naghanap ng komportableng susuotin dahil lalabas ako ng bahay. Kakasuot ko pa lang ng sweatpants nung bigla na lang nagbukas yung pinto ng kwarto ko kaya napasinghap ako at nalaglag sa sahig yung tshirt na susuotin ko na sana.

"Ki--" natigilan si Cone sa pagsasalita at mabilis na sinara yung pinto sabay lock.

Mabilis siyang humakbang palapit sakin kaya hindi ako makagalaw. Eto na naman yung mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ba nawala na to?! Bakit eto na naman?!

"Di ba sabi ko sayo i-lock mo yung pinto? Ugh! Pam! Mababaliw ako sayo! Kasunod ko lang si Ian, muntik ka na niyang makita!" sigaw nito sabay pulot sa tshirt na nailaglag ko sa sahig. "Fcvk. Babantayan ko na talaga yang pintuan mo!" sabi niya habang sinusuot sakin yung tshirt.

Nanalaki yung mga mata ko ng maalala kong hindi ko pa nasusuot yung T-shirt. Shit! Nakabra lang ako!

Tinulak ko siya saka tumalikod at inayos yung pagsuot ng damit. Paksyet! Paksyet talaga! Nakita niya! Shit!

I heard him sighed. "Alam kong sexy ka Pam, pero please, don't show it.. Even to me" parang nahihirapang sabi nito.

Hindi ako makaharap sa kanya. Sa embarrassment o inis, ewan ko, baka pareho. Pero kingina, habangbuhay kong ibabaon to! Shit lang. Ramdam na ramdam kong nag-init yung buong mukha ko? Never pa kong nagkaganito! Tanginang yan.

"Im sorry if I shouted on you. Nainis lang ako. He almost saw you almost naked! Bakit ba kasi hindi ka marunong maglock ng pinto? What if siya yung naunang nagbukas? Ugh! Ayoko ng isipin!" patuloy nito at halos dinig ko na yung frustration niya.

Hindi ako umimik at nanatiling nakatalikod sa kanya. Hindi ako makamove on na nakita niyang nakabra lang ako! Tapos galit siya kasi muntik ng makita ni LWB? Pero pag siya okay lang?! Tangina a!

Huminga ako ng malalim habang kinukuyom ko yung mga palad ko. Gusto kong manakit dahil sa sobrang embarrassment. Peelro hindi ko magawang humarap sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa rin yung init sa buong mukha ko, sigurado akong pulang pula ako. Leche.

"Pamela.."

"Labas"

Narinig ko na namang nagbuntong hininga siya bago yung pagsara ng pinto. Napabuga ako ng hangin saka nagulo yung buhok ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagmura ngayong umaga. Ilang oras pa lang akong gising pero puro mura na agad yung lumalabas sa bibig ko. Kinginang yan.

Nahiga ako sa kama saka pumikit ng mariin. Huminga ako nang malalim at pinakalma yung sarili ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko at napamura na naman nung maramdaman kong mabilis parin yung pintig nito. Hindi to maaari!

Bumango ako at mabilis na kinuha yung susi ng motorbike ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglabas at hindi pinansin yung pagtawag ng mga asungot sa pangalan ko. Mabilis ko g pinaandar yung motorbike at nagpunta kina Yanna. Hindi ko na namam kailangang magdoorbell dahil bukas naman yung gate. Tuloy tuloy lang ako sa loob at nakita si Tita Britanny.

"Oh, Pam! Aga mo?"

Hilaw akong ngumiti. "Maaga po kasi akong nagising. Si Yana po?" tanong ko.

"Tulog pa. Puntahan mo na lang sa kwarto niya"

I nodded saka mabilis na umakyat ng hagdan. Hindi na 'ko nag-abalang kumatok pa sa pinto. Tuloy tuloy lang akong pumasok saka lumundag sa kama niya. "Sleeping beauty! Gumising ka nga!" sigaw ko saka siya niyugyog.

Ha! Nakaganti din ako sayo!

"What?! Stop it! Im sleeping!" sabi nito saka nagtalukbong ng kumot.

Inagaw ko yung kumot saka niyugyog ulit siya. Sa mga ganitong pagkakataon talaga nalalaman yung silbi ng pagkakaroo ng bestfriend e. Kaya nga hindi ako bestfriend material dahil wala naman akong idea sa ganito. Tsk. Ngayon lang.

"Pam! Bakit  ka ba nandito?!" naiinis siyang naupo at ginulo pa lalo yung magulo na niyang buhok.

"Paano mo nalaman na may gusto ka na kay Raven?" tanong ko habang nakatitig ng seryoso sa kanya.

Natulala siya saglit sakin at napakunot yung noo. "What? Why'd you ask?"

"Sagutin mo na lang!"

Inirapan niya ko saka nagcrossed arms "Sinabi ko na sayo to dati a? So, hindi ka talaga nakikinig! Hmp! Anyway, since interested ka na, I'll tell you again," sabi nito saka nahiga ulit. "I can't stop thinking of him, I want to know everything about him, what he does and his whereabouts. I daydreamed about us, everyday.. yun!"

Kumunot yung noo ko. "Yun lang?" nagtatakang tanong ko.

"No! Marami pa! Remember nung nagselos ako sayo because I thought he's courting you? Yun yung one of the factor na gusto ko na talaga siya and the most solid fact is this" sabi niya sabay turo sa kaliwang dibdib niya. "My heartbeat Pam.. Sobrang bilis whenever I saw him lalo na kapag nagtatama yung eyes namin! Gosh! That's so cheesy! But sana magets mo!"

I gasped and gaped at her. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Heartbeat? "Sigurado ka bang hindi sakit sa puso yon?" tanong ko.

"No! Nagpacheck up kaya ako! Then our family doctor just laugh at me!"

Napailing ako saka napakunot yung noo ko. So, ibig sabihin may gusto ako sa hampaslupang apang yun? Ano to crush? Never pa kong humanga sa tao! 

"Why'd you ask nga ba? Don't tell me.." hindi niya natuloy dahil naging OA na naman siya.

"Asa ka pa!" Napairap ako saka tumayo at iniwan siya.

Nako. Sigurado akong nagdududa na yung si Yana kaya mabilis na kong umalis ng bahay nila. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta dahil dito sa sudden realization ko. Tsk! Hindi pa naman sigurado pero paano kung may gusto na nga ako? Anong gagwin ko?! Jusko. Paano si Ashley?!

Ugh! Bakit ko ba naisip yun? As if naman aagawin ko si Cone sa kanya. No way! Hindi ako cheap no! Gusto lang naman kung sakali, madali lang yung mawawala, sure ako dyan.

Umuwi ako sa bahay dahil wala talaga akong mapuntahan. Nadatnan ko na lang si LWB sa sala na prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng basketball. Nilingon ko yung paligid pero wala akong makitang hampaslupang apa.

"Nagmamadaling umalis, tumawag kasi si Ashley," biglang sabi ni LWB nang nakangisi sakin kahit hindi ako nagtatanong.

xxxxxxxxxx

a/n: Sorry kung natagalan yung update! Nawala ako sa story na to e, ngayon lang ulit bumalik. Might check my new one, yung kay Taiana Perkins na kapatid ni Cone. "Give me a heartache" yung title. Thanks! Matatapos na to, kapit lang guys! Team Conela where art thou? 😁

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon