CHAPTER 16

2.5K 95 4
                                    


Meet Ian a.k.a LWB ->>>

**★**

Niligpit ko na ang mga gamit ko saka tumayo. Aalis na ko bago pa masira ng hampaslupang apa na to ang araw ko.

"Pam wait!" habol niya.

Binalik ko na ang libro sa shelf saka lumabas ng library. Konti na lang ang mga estudyante dahil nagsiuwian na. Hapon na kasi.

"Pam!" sigaw ni Cone saka patakbong lumapit sakin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa parking.

"Ang tagal nating di nagkita. Hindi mo ba ko namiss?" tanong niya.

"Asa" sagot ko.

"I miss you too!" sabi niya saka ako inakbayan.

Kinuha ko ang kamay niya saka inalis at pinilipit sa likod niya.

"Ouch!" sigaw niya.

"Pwede bang lumayo layo ka sakin?" sabi ko saka siya binitawan at iniwan.

Kingina. Pampasira ng araw!

Nakarating ako sa kotse ko at mabilis na sumakay saka pinaandar. Pagkauwi ko sa bahay, diretsyo ako sa kwarto ko at nahiga. Tss.

Kelan ba matatahimik ang buhay ko? Bakit hindi na naubos ang mga asungot? Leshe lang.

**

Isang linggo. Hindi ko na ulit nakita pa ang hampaslupang apa. Buti naman. Baka kung dumikit pa siya baka hindi ako makapagpigil at tuluyang masira ang record ko kasi nanapak ako.

"Wala daw klase ngayon, iwewelcome daw kasi yung representative natin sa international quizbee dahil tayo ang nagchampion!"

"Really? Diba yung transferee ng senior Business Management yun?"

"Oo! Si hot nerd guy!"

Ayan ang pinag-uusapan nila nung dumating ako. Hindi ko kasabay si Yanna. May sakit daw siya kaya hindi papasok. Ang swerte niya walang klase! Tss.

"Tara na magstart na yung program" sabi nung isa kaya isa isa na silang lumabas.

"Hindi ka ba manood Pam?" tanong nung isa.

Umiling lang ako.

Wala naman kwenta yun. Magsasayang lang ako ng oras.

Nagsalpak ako ng headset, sumandal sa upuan at pumikit. This is way better than watching the stupid program outside.

Hindi ko alam kung ilang oras akong ganun. Dumilat ako ng makaramdam akong may nanonood sakin. At kingina. Meron nga!

Nanlaki ang mga mata ko at muntik ko na siyang masapok sa pagkagulat.

"Tangina LWB! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko.

Seryoso siyang nakatingin sakin habang nakacross arms at nakasandal sa may pintuan.

Humakbang sya papalapit sakin ng hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ko.

Tinuon niya ang mga kamay niya sa sandalan ng inuupuan ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kingina. Hindi ako makagalaw!

"I wonder why.." salita niya.

Naamoy ko na ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"I don't like you. I really don't." sabi niya habang nakatitig sakin "Hindi ka naman kasi ka attract attract. You wear weird clothes. Mas lalaki ka pang kumilos kesa sakin. Brutal ka pa. But i really wonder why.." putol niya sa sinasabi niya saka umiling at nagbuntong hininga.

Good To YouWhere stories live. Discover now