CHAPTER 46

1.9K 71 14
                                    


Hindi na ko nag-abala pang tingnan kung sino yung nagsalita. Kilalang kilala ko na ang mga boses ng mga asungot sa buhay ko.

"Raspberry truffle mocha, out of stock na yung blueberry cheesecake kaya doughnut na lang" sabi ni Ian sabay upo sa tabi ko.

Hindi ako sumagot. Nangibabaw ang katahimikan. Nanatili ang mga mata ko sa langit at pinagmasdan ang pagkinang ng mga bituin.

"Im always here every night just to watch the moon because I hate stars" biglang sabi ni Ian.

Kunot noo ko siyang nilingon at tumingin din siya sakin ng nakangiti. "I hate stars because it sparks" tumawa siya.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko "Dahil lang don?" I asked curiously.

Tumango siya saka tumangala "I hate everything that sparks dahil nakakasilaw. I hate it because it outstands in the dark vibrantly even from afar but remained untouchable and unreachable no matter what you do to reach for it"

Binalik ko ang tingin ko sa langit. Sparks. I hate sparks too dahil nakakasilaw, masakit sa mata.

"I considered my Mom as one of the stars, not because I hate her but because she's becoming unreachable as times goes by." dagdag pa nito.

Katahimikan.

Nakatitig lang ako sa langit. "Paano kapag sinabi ng Mom mo na ikakasal na siya?" wala sa sariling tanong ko.

Ramdam ko ang titig ni Ian sakin pero nanatili ang mga mata ko sa itaas, sa mga bituin hindi sa buwan. Kahit na ayoko sa sparks, gusto ko pa rin ng stars. Because unlike the sun, hindi ito nakakasilaw. Unlike the moon, it doesn't change.

"I don't care to be honest. It's her choice if ever she decided to marry again after Dad. Pero kung may ibang masasaktan dahil sa desisyon niya, I would do everything to stop her."

"Paano kung ikaw mismo yung sinaktan?"

"I don't know but revenge was the first word that comes in my mind"

Dito ko ulit siya tiningnan at kumunot na naman ang noo ko. "Wala kang mapapala sa revenge." sabi ko saka umiling.

Bakit kaya may mga taong hindi na lang makuntento? Tsk. Kailangan ba talagang gumanti?

Hindi siya sumagot kaya tahimik na ulit kami.

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong nito bigla.

"Hindi"

"Okay"

Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Umuwi ka na" sabi ko.

Umiling agad siya ng maraming beses. "Sasamahan kita"

"Tsk. Bakit ka ba kasi nandito? Hindi mo ba alam yung salitang privacy?"

"You cannot get privacy in someone else's property" kibit balikat na sabi nito.

Umiling ako at tumayo na. Tapos na kong magdrama at hindi ko naman makukuha ang katahimikan na gusto ko dito kung hindi ako lulubayan ng LWB na to Bakit ba kasi dito ako pumunta? Naistorbo tuloy ako. Kingina.

"Aalis ka na?" tanong nito at sumunod pa.

Hindi ko siya sinagot at tuluy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako sa bike ko at pinaandar. Narinig ko pa siyang sumigaw ng ingat ng medyo nakalayo ako. Tsk.

Tahimik sa bahay pagdating ko pero alam kong gising parin si Papa at siguro hindi umuwi yung girlfriend niya. Tuluy tuloy lang ako sa loob at hindi pinansin ang mga nakaupo sa sofa.

"Anak" tawag ni Papa pero umiling ako ng hindi siya nililingon.

Nagtutuluy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Itutulog ko na lang to at hindi na dapat pang iniisip. May mga bagay na mas mabuting kalimutan, baliwalain o iwasan na lang para hindi ka na mas masaktan pa.

Good To YouWhere stories live. Discover now