CHAPTER 65

1.5K 67 11
                                    

This is the final chapter. Thank you for your patience of reaching until here. Love y'all!

xxxxx

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Naikuyom ko yung mga palad ko habang kagat-kagat yung ibabang labi ko.

Trystan Cone Perkins.

The first guy who can make my heartbeat thumped wildly. Yung taong palaging nagpapainit ng ulo ko sa tuwing magkikita kami. Yung taong walang ginawa kundi asarin ako at walang sawang paulanan ako ng mga panda.

I sighed.

Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong aasa ako tapos masasaktan lang. Hindi naman ako ganito noon. Pinakaiiwasan ko nga ang mag-expect dahil alam kong disappointment lang ang dulot 'non pero ano ako ngayon? Tss. Tangina kasing pag-ibig yan. Kung bakit kasi hindi nakokontrol ng utak ang feelings. Sana kasi may switch na lang para pwedeng i-off kung ayaw mo na, edi sana walang tanga sa mundo. I sighed.

I tried my hardest that night not to cry, but I failed. May mga luhang pumatak hanggang sa makatulog ako.

"Wake up sleeping beauty. Ang aga mo matulog kagabi," narinig kong sinabi ng kung sino man yung yumuyugyog sakin.

I groaned at tinakluban ko ng unan ang mukha ko. Wala akong ganang bumangon. Parang tamad na tamad at pagod na pagod ako atsaka masakit rin ang mga mata ko kaya hindi ko ito maidilat ng maayos.

"Pam, gising! I have something to tell you!" sigaw ni Yanna at mas lalo pa akong inalog.

"Tangina naman Yanna. Ang aga aga!" I hissed angrily as I sat on the my bed. "Problema mo?"

I heard her gasped. "Oh my Gosh! What happened to you?! Umiyak ka ba kagabi?!"

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at pumunta sa banyo para maghilamos. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Ang pangit! Ang bintog ng talukap at ilalim ng mga mata ko at mapupula pa na akala mo nakagat ng ipis.  Kinginang yan.

Wala naman akong pakialam sa itsura ko pero tangina, ayoko ng ganito. Mahapdi sa mata.

Napailing ako at halos ibabad ko na ang mukha ko sa tubig para lang mawala yung pamamaga pero wala namang nangyari kaya lumabas na rin ako ng banyo. I saw Yanna, still sitting on the edge of my bed while watching me stride on her direction.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko nang hindi nagpapakita ng kahit anong reaksyon.

I saw how her eyes squinted as she scanned my face. At dahan-dahang umiling na para bang alam niya ang lahat at disappointed siya.

"Trystan talked to me. He asked for a favor."

Mabilis akong umiling. "Tigilan mo na 'ko please. Nakakaumay na," pagod kong sinabi saka lumabas ng kwarto.

"Pam! Listen first, okay!" Habol na sigaw ni Yanna at mabilis na humarang sa dadaanan ko. "Matuto ka kasi munang makinig. Uso rin magtanong."

"Pinagsasabi mo? Ano pang dapat tanungin?"

"Gosh! You really are so dense, alam mo yon?! Nakakaloka ka!"

Tinitigan ko lang siya habang hinihilot yung sentido niya.

"Trystan begged me to convinced you to talk to him this early kahit injured ang left foot niya," sabi nito. "He didn't tell us anything how it happened pero sinabi niyang ikaw yung huling kasama niya. Ano ba talagang nangyari kahapon?"

Good To YouWhere stories live. Discover now