CHAPTER 61

947 61 8
                                    


"Sinungaling" I hissed, saka ko inalis yung mga kamay niya sa pisngi ko. "Tigil tigilan mo 'kong hampaslupang apa ka! Wag niyo kong pagtripan!" hindi ko na napigilan ang galit ko.

Kingina talaga. Lakas din ng loob na pagsabayin kami ng harap harapan? Nasa harap lang namin si Ashley! In love his face.

"Seryoso ako!" parang frustrated na sagot niya habang ginugulo yung buhok. "Bakit ba hirap na hirap kang maniwala sakin?"

Inirapan ko siya saka tinuro yung direksyon kung nasaan si Ashley. "Sabi ni Yanna, kayo na at siya talaga yung mahal mo" sagot ko habang matalim ko siyang tinititigan.

Kumunot ang noo niya habang sinusundan ng tingin yung tinuturo ko. He tilted his head then looked back at me with puzzled expression. "Naniwala ka naman?"

"May mata ako at hindi ako bingi"

Natahimik siya sa sinabi ko. Kita mo? Kapal talaga ng mukha nitong pagtripan ako. Lakas magpaasa.

"Damn Yanna. She's feeding you wrong informations" sabi nito saka hinablot na naman yung kamay ko at hinila palapit sa treehouse. "I'll prove you wrong then" dagdag nito.

Sobrang higpit ng kapit niya sakin na kahit anong gawin kong paghila sa kamay ko, hindi ko magawang alisin ang kamay niya. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang hilahin ako hanggang sa makaakyat kami sa treehouse.

"Sabi sayo, kailangan mo ng backup" biglang nagsalita si Ashley na nakatayo sa may pintuan.

"Kasabwat ka?"

Napatingin ako kay Cone. "Anong kasabwat?" naguguluhang tanong ko.
Kung kanina mixed emotion ang nararamdaman ko, ngayon gusto ko ng manapak sa sobrang inis dahil naguguluhan na 'ko. Kinginang yan. Ayoko pa na naman sa lahat yung pinagloloko ako. Makikipagpalit talaga ng mukha sa aso tong apang to.

"Ako ba talaga pinagtritripan niyo?" dagdag ko pa.

I felt Cone flinched at mas humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Hinila niya rin ako padikit sa kanya at hinawakan yung baba ko para mapatingin sa kanya. Seryosong seryoso siyang tumitig sakin na halos magpawala ng lahat ng inis ko, pero imposible yun. Hindi ako basta basta nasusuyo. Tsk! Hindi porke't may feelings ako sa kanya bibigay na agad ako? Asa. Hindi ako easy to get.

"Pangalawang beses ko na 'tong sasabihin, seryoso ako Pam" mariin na sagot ni Cone.

I-iiwas ko na sana yung tingin ko pero napigilan niya. Magrereklamo pa lang ako pero naunahan niya agad ako nung bigla niya na naman akong halikan sa harapan ni Ashley.

Tangina..

Parang na-mentalbreakdown ako. Na-blanko ang isip ko, nagrarumble ang mga kalamnan ko. Parang sasabog ang puso ko.

"I love you" sabi nito pagkatapos akong halikan habang titig na titig sa mga mata ko.

"No PDA please" biglang sabi ni Ashley kaya naitulak ko bigla si Cone.
Tumingin ako sa kay Ashley at nginitian niya ko ng hindi plastic na ngiti saka umiling at humakbang palapit samin.

"Pasensya na sa distorbo pero may kailangan pa kong gawin" sabi nito saka humarap kay Cone at hinawakan yung mukha nito.

Sabay kaming napasinghap ni Cone at kitang kita ko yung gulat sa mukha niya nang dumampi ang kamay ni Ashley habang parang may sariling buhay naman yung mga kamay ko na bigla na lang gumalaw at hinila palayo si Cone sa kanya.

I heard Ashley chuckled while shaking her head. "Im not a threat anymore, Pam" sabi nito saka tumalikod. "Goodluck Trystan" dagdag nito saka bumaba ng treehouse.

Tahimik kaming naiwan ni Cone at mabilis kong binawi yung kamay kong nakahawak sa kanya nang mapansin kong nakakapit pa rin pala ako. Susunod na sana ako kay Ashley pababa pero sa pangatlong pagkakataon, pinigilan na naman niya 'ko.

Good To YouWhere stories live. Discover now