CHAPTER 34

1.6K 72 6
                                    


"Galit ka pa rin ba sakin?" tanong ni Cone na nakapagpatigil sakin sa pagsakay sa driver's seat.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Lumapit siya sakin habang kunot na kunot ang noo. "You're still avoiding me. Am I not forgiven yet?" tanong niya.

"Sinagot ko na yan kahapon" sabi ko saka mabilis na sumakay sa kotse at binuhay ang engine.

Sinabi ko ng forgiven na siya dahil sa chocolates. Tss. Hindi ko alan kung slow lang siya o hindi nakikinig kagabi. Ayoko pa naman ng inuulit ang sinabi ko na. Kung hindi niya narinif yun bahala na siya sa buhay niya problema na niya yun. Psh.

Sa canteen ang diretso ko pagkarating ko sa school. Hinanap agad ng mga mata ko si LWB at hindi naman ako nahirapan dahil kaunti lang naman ang nakain dito kapag umaga. Pumunta ako sa counter at bumili ng sandwich at kape saka naupo sa harapan niya.

Nanlalaki ang mga mata niya ng makita ako. Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain.

"Pam?" sabi nito.

Nag-angat ako ng tingin at nakikita kong shocked pa rin siya.

"Bakit--"

"Kumain ka na lang" sabi ko ng hindi pinapatapos ang sasabihin niya.

Walang nagsasalita samin hanggang sa maubos ang pagkain namin. Sumandal ako sa upuan ko at nagcross arms ng maramdaman ko ang titig niya sakin. "Bakit?" tanong ko.

Ngumiti siya saka umiling pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sakin. Medyo nakakairita na kaya tumayo na ko at iniwan siya pero mabilis siyang nakahabol sakin.

"Thanks" sabi niya ng papasok na ko sa classroom.

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Para saan?"

"Sa pagsabay sakin kumain ng breakfast" nakangiting sagot niya.

Hindi na ko sumagot at basta na lang akong pumasok sa classroom. Naupo ako sa upuan ko at yumuko dahil maaga pa at wala pa si Yanna.

"Pinagpalit mo na ba ko?"

Napaangat ako ng marinig ko ang boses ni Yanna sa tabi ko.

"Pinagsasabi mo?"

Tumaas ang kilay niya "Hindi ka sumasabay samin magbreakfast para magsabay kayo ni Ian, hindi na tayo sabay pumapasok kasi palagi mo kong iniiwan" irap nito.

Hindi ako sumagot at napabuntong hininga. OA talaga nito. Tatlong araw ko pa lang naman ginagawa yun. Tsk.

"Three days Pam! Three days!" tinaas niya ang kamay niya at hinarap sakin ang tatlong daliri niya. "Three days mo na kong iniiwan! You don't have any idea how I've suffered from receiving a very very cold shoulders from my cousin. Duh! Walang kilala yun kapag bagong gising" sabi nito.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya. Masyadong madaldal kaya sumubsob na lang ulit ako sa desk ko habang hinihintay ang prof namin.

"Class dismissed"

Tumayo agad kami ni Yanna at lumabas ng classroom para lumipat sa susunod na klase.

"Look. Si Trystan's stalker yun di ba?" turo ni Yanna sa loob ng classroom na dinadaanan namin.

Sumilip ako sa loob at nakita ko si Ashley na katabi ni Cone.

"She's creepy. Grabe makatitig sa pinsan ko" bulong nito.

Umiling na lang ako at nilagpasan ang classroom. Natapos ang morning classes at pumunta kami sa canteen. Gaya ng dati, nauna na naman ang dalawa sa mesa namin. May nakahanda ng pagkain sa pwesto ko, ako na lang ang hininhintay. Napailing na lang ako habang nauupo sa upuan.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon