CHAPTER 29

1.7K 83 12
                                    

"Bakit naman ako?" tanong ko.

"He's your boyfriend" sagot ni Cone habang natatawa.

"Wait!" sigaw ni Yanna "Im lost here, can you enlighten me for a moment?"

"My brother likes her" maiksing sagot ni Cone.

Yanna gasped. "Si Troy? Seryoso?" gulat na gulat na tanong ni Yanna.

Nagkibit balikat lang si Cone saka tumawa.

"Pam?" tumingin sakin si Yanna na naguguluhan pa rin kaya ang ending, kinwento ko sa kanya yung moments namin ni Troy. Yuck! Makamoments naman ako. Peste.

"I can't believe it! Ako nga hindi pinapansin ng batang yun!" Reklamo ni Yanna.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka naman hindi pinapansin ni Troy? Ang bait at ang cute kaya nun" Sabi ko.

Nasamid bigla si Cone habang nanlalaki naman ang mga matang tinignan ako ni Yanna.

"Wow! You know the word cute!" hindi makapaniwalang sabi ni apa pagkainom niya ng tubig.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong akala sakin nito? Alien?

"Seriously? Did I heard it right Pam? The word cute just slipped on your tongue! It's a miracle!" hindi makapaniwalang sambit naman ni Yanna.

Sumandal ako sa upuan ko at nagcross arms. "Problema niyo? Ngayon lang ba kayo nakarinig ng salitang cute?" Naiinis na tanong ko.

Amused na amused ang itsura nila habang nakatitig sakin. Leche.

"I didn't know you're capable of distinguishing cute stuffs and cute people" ngising ngisi pa ang hampaslupang apa habang sinasabi yan. "Aware ka naman na magkamukha kami ni Troy hindi ba? So, you're literally saying that im cute too."

"What the hell? Saan mo napulot yan?!" pagalit na tanong ko. Kinginang utak yan.

"Come on! You don't have to be shy about it. Cute is understatement though" he shrugged while wearing his infamous smirk.

Napabuntong hininga na lang ako ng malakas. Hindi ko kinakaya ang utak ng apang to, masyadong malawak ang imagination. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na sila pinansin pa kahit na kung anu ano pa ang sinabi nila. Ayokong lalo pang mabadtrip lalo nasa harap ng pagkain.

"So, it's settled then!" excited na sabi ni Yanna pagkatapos namin kumain.

Hindi ko siya pinansin at niligpit na ang pinagkainan ko at iniwan sila sa kusina. Narinig ko pang tinawag ako ni Yanna pero hindi ko na siya pinansin. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag napapaligiran nila ako. Kaya mas mabuti pang magkulong na lang ako sa kwarto, wala pang istorbo.

*

"Pam!" Sigaw ni Yanna na nagpabalikwas sakin sa kama.

"Tangina"

"Maligo ka, aalis tayo! Bilis!" sigaw niya ulit at hindi pa siya nakuntento dahil hinila pa ako patayo. "Faster nga. Baka magbago pa ang isip ni Trystan"

"Teka lang ha" binawi ko ang braso ko na hinihila niya. "Anong pinagsasabi mo?" nagcross arms ako at tiningnan siya ng masama.

"Pupunta tayo sa mall, we're gonna buy Troy's gift then manlilibre si Trystan." ngiting ngiti na sabi ni Yanna.

Kumunot ang noo ko. "Parang libre lang. Ang yaman yaman niyo ganyan ka matuwa sa libre, parang wala kang pera a?"

Inirapan niya ko "FYI, we're talking about Trystan here. Hello? Si Trystan manlilibre, don't you know na Trystan and the word libre ay never pang nagsama sa isang sentence? In short, kuripot ang pinsan ko" sabi nito na parang may sinabi akong masama. Tss.

Good To YouWhere stories live. Discover now