CHAPTER 38

1.7K 66 15
                                    


Bumusina ako sa tapat ng malaking gate at binuksan ko ang bintana ko para makita ako ni Manong guard. Hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano nang makilala niya ako at mabilis akong nakapasok sa loob. Naging mabagal ang pagmamaneho ko papunta sa manmade falls. Unti unti nang kumakalma ang sistema ko ng matanaw ko na ang waterfalls. Pinarada ko ang kotse ko sa pinakagilid saka ako lumabas at lumapit sa batuhan at naupo.

"Anong problema?" biglang may nagsalita sa likod ko at naupo sa tabi ko.

Diretso lang ang tingin ko at hindi na ako nagabala pang tingnan si LWB.

"Sa Papa mo?" tanong ulit nito.

Naging isang manipis na linya ang mga labi ko pagkadinig ko nun saka bumuntong hininga.

"Nag-away ba kayo? Dahil pa rin ba to sa.." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya tumango na lang ako. Ramdam ko ang pagtitig niya sakin pero hindi ko siya nililingon.

"Galit ka ba sa kanila?" mahinang tanong nito.

Ilang sandaling katahimikan. Tanging agos lang ng tubig at huni ng mga ibon ang naririnig.

"Disappointed" putol ko sa katahimikan.

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kanya to pero nakakagaan ng pakiramdam. Hindi na siya nagsalita at tahimik lang kaming nakaupo sa batuhan habang nakalublob ang mga paa namin sa tubig. Sana ganito na lang palagi, tahimik. Walang asungot, kung meron man.. Sana palagi silang ganito katahimik at hindi nagsasalita.

Nilingon ko si LWB. Seryoso siyang nakatingin sa baba habang pinapaikot ang isang paa sa tubig na parang ang lalim ng iniisip. Naalala ko yung mga sinabi niya noon. Ang lungkot siguro niya, ang laki laki ng mansyon dito tapos ikaw lang mag-isa ang kakain. Tsk. Kung ako ang nakatira dito, papatirahin ko dito si Yanna para may kasama ako at para maging maingay sa loob.

"Im surprised" biglang sabi nito at nag-angat ng tingin sakin saka ngumiti. "I never expected this."

Nagkibit balikat ako. "Ako din. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko sayong pupunta ako dito" I said honestly.

Bakit ko nga ba ginawa yun?

"Its okay, you can always count on me" sagot ni LWB.

*

"Can you change your nickname on me? And what's the meaning of it? Why are you calling me LWB?" sunod sunod na tanong nito.

Napaangat ang gilid ng labi ko. "Lalaking walang balls" sagot ko saka ko siya tiningnan para panoorin ang reaksyon niya.

Napasinghap siya at hindi makapaniwalang nakatitig sakin. "Lalaking.. what the!"

Nagkibit balikat ako "Bagay naman" sabi ko saka ko binalik ang tingin sa waterfalls.

"I have.. you know" he groaned.

Tumingin ulit ako sa kanya. "Di nga?" pang-aasar ko. Nakakatawa pa lang makita siyang frustrated. Ayos to.

Matalim niya akong tinitigan bago niya ko sabuyan ng tubig.

"Kingina" sinamaan ko siya ng tingin pero sinabuyan niya ulit ako. Peste.

"Hindi ka titigil?" naiinis na tanong ko.

Automatic na tumigil naman siya pero ginantihan niya ang masamang tingin ko sa kanya at nagcross arms pa.

"From now on, you'll call me Ian" utos nito na para akong tauhan niya.

Nagcross arms din ako at tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "Paano kung sabihin kong ayoko.. LWB?" naghahamon na tanong ko at inemphasis ko talaga ang LWB.

Walang pwedeng mag-utos sakin. Gagawin ko kung anong gusto ko at tatawagin ko sila sa kahit anong pangalan.

Tumitig muna siya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin niya sa labi ko at biglang umangat ang gilid ng labi niya na parang may biglang magandang pumasok sa isip niya. "I'll kiss you"

Kumunot ang noo ko. "Ha! Kung magagawa mo? Hindi ka pa nakakalapit, hinahalikan mo na kamao ko" sabi ko sabay pakita ng nakakuyom kong palad.

Mukhang hindi siya natinag at mas ngumisi pa. "Try me. I'll kiss you everytime you call me LWB, Try me Pamela" hamon nito.

Tsk. Lakas din ng loob nito. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko pa sinabi sa kanyang pupunta ako dito. Kingina. Tahimik na kanina, gumugulo na naman.

"Scared?" nang-aasar na sabi nito.

You don't provoke me!

"Takot ka pa lang mahalikan. Now I know" ngising ngising sabi pa nito.

Sinusubakan niya talaga ako. Kingina. Bah! Wala akong kinakatakutan. "Nag-aalala lang ako sa gagastusin ko sa hospital bills mo"

Tumawa siya ng mahina at umiling. "Just try me" hamon nito.

Ugh! Never pa akong umatras sa isang hamon kaya hindi na ko nagdalawang isip pa na sabihin ang nickname niya. At hindi ako natatakot mahalikan dahil nasapak ko na siya bago pa siya makalapit.

"LWBLWBLWBLWBLWBLWBLWBLWB--umphh" pwersahan akong napatigil ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko. Tangina! Tangina! Tangina!

Hindi ko napaghandaan ang depensa ko dahil masyado akong nagenjoy sa pagsabi ng mabilis sa nickname niya at masyadong mabilis ang pangyayari. Inangat ko ang dalawang kamay ko para itulak siya pero nahawakan niya bigla ang mga kamay ko ng mahigpit at nagsimulang gumalaw ang labi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko lalabas na ang mga ito sa socket. Tangina! Anong nangyayari?!

Nabato ako sa kinauupuan ko ng lumayo siya sa akin at kagat kagat ang labi habang hindi inaalis ang pagkakatitig sakin. Nag freeze ang utak at katawan ko. Hindi ako makapaniwala! Tangina talaga!

"That was.." hindi niya alam kung anong sasabihin niya "You can punch me now" sinabi na lang nito.

Parang bigla akong nagising sa masamang panaginip ng marinig ko yung word na 'punch' kaya mabilis akong tumayo at sinapak siya. Nahulog siya sa tubig at tumatawa pa siya ng makaahon siya. Siraulo.

"Bakit mo ko hinalikan?!" naiinis na tanong ko.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko saka ngumiti. "Im a man of actions Pamela, ginagawa ko kung anong sinabi ko. Kahit masakit kang manuntok hahalikan pa rin kita kapag tinawag mo pa kong LWB"

Nagpamewang ako "Akala mo matatakot ako sayo?! Hinding hindi ka na makakalapit saking gago ka!" inis na inis na sigaw ko.

Pero mas lalong kumulo ang dugo ko ng marinig ko na naman siyang tumawa. Kingina! Pang-asar din to e!

"If I could kiss you, the punch is always worth it"

Sa inis ko, umalis na lang ako basta at iniwan siya. Kinginang yan, ipapablotter ko siya! At sisiguraduhin kong hinding hindi na siya makakalapit sa akin! At higit sa lahat, sinusumpa ko na ang 'LWB'! Hinding hindi na yan lalabas sa bibig ko kahit kailan. Tangina lang.

***★***

Describe Ian Palomera a.k.a LWB.

Good To YouWhere stories live. Discover now