CHAPTER 56

1.3K 66 8
                                    

Natulala ako. 

Kingina. 

First time sa buong buhay ko na pakiramdam ko hindi na ko makakagalaw pa sa kinatatayuan ko. Shit lang. 

"Are you okay?" tanong ni LWB na nasa harap ko na pala. "Pamela" 

Huminga ako ng malalim saka naglakad papunta sa kama ko at naupo. Ano ulit yung huling sinabi ni Cone? 

"Pwede bang pumasok?" tanong ni LWB.  

Tiningnan ko siya ng masama kaya umatras agad siya at tinaas yung dalawang kamay. 

"Joke lang," sabi nito saka unti unting ngumisi. "Bakit parang wala naman akong narinig sayo kanina nung si Cone yung nandito? Tapos ako bawal?" tanong niya. 

Kumunot yung noo ko. "Pinagsasabi mo?" 

Mas lalong lumaki yung ngiti niya. Bwisit. 

"I've heard everything. Don't get me wrong, hindi ako nag-eavesdrop, sadyang malakas lang yung sigaw mo" 

Hindi ako umimik. Hindi pa yata kumakalma yung puso ko. 

"He misinterpreted us. Did he?" 

Misinterpreted? Saan naman? Kingina. Wala ako sa mood mag-isip. Tss. 

He sighed. "Bukas na nga lang. Goodnight baby sister!" sabi nito saka sinarado yung pinto. 

Napabuntong hininga saka bumagsak sa kama. Nakipagtitigan na naman ako sa kisame. "Tsk. Anong babalik? Bakit? Umalis ba siya?" 

Pumikit ako saka nagtalukbong ng unan sa mukha ko.

"Ugh! Naguguluhan ako! Tangnang yan," I groaned. 

Nanatili lang akong ganun hanggang sa nakatulog ako pero paggising ko nakita kong nasa sahig na lahat ng unan ko. Tsk. Hanggng sa pagtulog yata nagwala ako. Bumangon na ko at naligo. Humihikab pa ko nung bumaba ako ng hagdan papunta sa kusina. 

"Good morning!" bati ni LWB. 

"Morning" wala sa sariling bati ko pabalik.

"Good morning ulit Kikay!" Napakunot yung noo ko. 

Kikay? 

Tumingin ako sa nagluluto at laking gulat ko na lang nang makita ko si Cone na nakaapron pa habang may spatula at ngising ngisi sakin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko saka naupo sa upuan ko. 

"I told you, I'll be back for good. From now on mauumay ka na sakin dahil hindi na ko mawawala sa paningin mo" 

"Psh" 

Nilapag niya sa harap ko yung kape tapos sinunod yung sinangag niya saka bacon at sausage.

"Makakarating ka na ulit sa langit. For sure sobrang namiss mo luto ko," sabi nito. 

Hindi ako umimik at tahimik ko na lang na kinain yung luto niya. Aaminin ko na namiss ko to pero hinding hindi ko sasabihin sa kanya. Lalaki lang yung ulo ng apang yan. 

"Namiss rin kitang ipagluto," biglang sabi nito habang nakapangalumbaba sa harap ko. "Sorry kung medyo matagal akong nawala." 

"Hindi ako tumatanggap ng sorry," sabi ko habang patuloy pa ring kumakain. 

"I know. Prepared ako," ngisi nito saka tumayo at tinanggal yung suot na apron bago naglakad paalis. 

Napakunot ang noo ko. Ano yun? 

Umiling ako saka mabilis na inubos yung almusal ko. Pero hindi pa ko natatapos nakabalik na agad si Cone na may dalang kahon na malaki at pinatong sa inuupuan niya kanina. 

Good To YouWhere stories live. Discover now